Hirit na taas-sahod ng mga obrero, bahala na ang DOLE – SAP Go

Hirit na taas-sahod ng mga obrero, bahala na ang DOLE – SAP Go

August 4, 2018 @ 11:11 AM 4 years ago


Manila, Philippines – Dapat  ipaubaya sa Department of Labor and Employment ang pagpapasya sa hirit na across the board higher salary.

Ito ang tugon ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go nang  mahingan ng komento hinggil sa hirit ng mga labor groups.

Sinabi ni Go na hayaan  na i-assess ng DOLE ang isyu  kasabay ng panawagan niya sa departamento na tingnan at pag-aralan na maitaas ang sahod  ng mga obrero para makaagapay sa kasalukuyang kondisyon ng iba’t ibang lugar sa bansa.

Aniya, kailangan na ang sahod ng mga manggagawa ay nakakaagapay sa presyo ng mga bilihin. (Kris Jose)