Hirit ng Pinas na pagpapatigil sa drug war probe, ibinasura ng ICC prosecutor

Hirit ng Pinas na pagpapatigil sa drug war probe, ibinasura ng ICC prosecutor

September 27, 2022 @ 7:25 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Tinanggihan ng prosecutor ng International Criminal Court (ICC)ang hiling ng pamahalaan ng Pilipinas na huwag ituloy ang imbestigasyon sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Inihayag ng administrasyong Marcos sa ICC na walang hurisdiksyon ang tribunal at naimbestigahan o iniimbestigahan na ng pamahalaan ang umano’y mga krimen.

“[T]he Prosecution respectfully submits that none of those arguments have merit,” tugon ni ICC Prosecutor Karim Khan.

“Even recognizing that investigations of this kind are challenging and time-consuming, the Prosecution respectfully notes that the GovPH (Philippine government) has shown no effort to pursue such leads or to otherwise establish a ‘firm basis’ for investigation or prosecution. That failure speaks to the need for an impartial investigation by the Prosecution,” dagdag niya.

Binigyang awtorisasyon ng ICC nitong nakaraang taon ang imbestigasyon sa drug war, at sinabing lumalabas na isa itong “illegitimate” at sistematikong pag-atake sa mga sibilyan.

Sa ilalim ng administrasyong Duterte, kumalas ang Pilipinas sa Rome Statute ng Hague-based tribunal noong 2018, na epektibo noong 2019, matapos ikasa ang preliminary examination sa mga alegasyong pang-aabuso sa anti-narcotics campaign.

Tinanggihan naman ng kanyang successor na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang muling pag-anib. RNT/SA