Hirit ni Bantag na pag-inhibit ng posekyutor sa Lapid slay probe inisnab ng DOJ

Hirit ni Bantag na pag-inhibit ng posekyutor sa Lapid slay probe inisnab ng DOJ

January 18, 2023 @ 10:24 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Ibinasura ng Department of Justice ang hirit ng suspendidong Bureau of Corrections Chief Gerard Bantag na mag-inhibit ang Panel of Prosecutors at ang buong DOJ sa imbestigasyon sa kaso ng pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid at Bilibid inmate na si Jun Villamor.

Ayon kay Prosecutor General Benedicto Malcontento, walang meritocang kahilingan ni Bantag kung kaya hindi ito dapat pagbigyan.

Dahil dito, tuloy ang preliminary investigation sa Enero 24, 2023, 2:00 ng hapon sa Justice Hall Bldg. sa DOJ sa Maynila.

Itinakda sa preliminary investigation ang paghahain ng counter-affidavits ng mga respondent.

Matatandaan na si Bantag ay sinampahan ng reklamong murder at inaakusahang mastermind sa pagpaslang kay Lapid o Percival Mabasa, gayundin kay Villamor na sinasabing isa sa middleman sa krimen.

Naghain ng mosyon si Bantag na mag-inhibit ang DOJ dahil sa umano’y kawalan ng impartiality ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla sa suspended BuCor chief, at umano’y “bad blood” sa pagitan ng dalawa.

Wala umanong hurisdiksyon ang DOJ sa kaso ni Bantag, dahil ang Ombudsman umano ang dapat humawak sa mga matataas na opisyal. Teresa Tavares