Hirit ni Vhong Navarro na manatili sa NBI jail ibinasura ng korte

Hirit ni Vhong Navarro na manatili sa NBI jail ibinasura ng korte

October 1, 2022 @ 9:15 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Ibinasura ng Taguig Regional Trial Court ang mosyon ng TV host at actor na si Vhong Navarro na manatili sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI).

Base sa ulat, sinabi ng korte na hindi nakapagbigay si Navarro ng sapat na rason upang manatili sa kustodiya ng NBI.

Sinabi pa nito na hindi nakapagpresenta ang kampo ng aktor ng sapat na ebidensya na mayroong banta sa kanyang buhay at kaligtasan sa Taguig City Jail.

Nauna nang iniutos ng Court of Appeals sa City Prosecutor ng Taguig City na maghain ng rape at acts of lasciviousness charges laban kay Navarro sa reklamong inihain ng modelong si Deniece Cornejo.

Sumuko naman si Navarro sa NBI matapos mag-isyu ng Taguig court ng warrant of arrest laban sa kanya para sa umano’y acts of lasciviousness. Nag-isyu ng isa pang warrant of arrest para sa rape ang korte.

Naghain naman ng petisyon ang kampo ni Cornejo na ilipat ang aktor sa Taguig City Jail because dahil ang Taguig court ang nag-isyu ng warrant of arrest laban sa aktor.

Nitong Setyembre 20, inihirit ng kampo ni Navarro na manatili siya sa NBI detention center dahil sa umano’y banta sa kanyang buhay base sa text messages na natanggap ng kanyang asawa.

Batay sa ruling, hindi nakapagbigay si Navarro ng ebidensya ukol sa umano’y text messages at maaaring maraming kahulugan ang mga mensaheng ito at hindi masasabing may banta sa kanyang buhay at seguridad.

Sinabi ng city jail officials na poprotektahan at rerespetuhin ang karapatang-pantao ng mga preso.

Inakusahan ng prosecutors si Navarro ng panggagahasa kay Cornejo sa pamamagitan ng pwersa, banta, at initimidasyon noong Enero 2014.

Inihayag ng abogado ni Navarro na si Atty. Alma Mallonga na ang kanyang kliyente ang biktima at hindi totoo ang mga kaso laban sa kanya. RNT/SA