Japan – Umakyat na sa 50 indibidwal ang kasalukuyang nawawala habang apat naman ang nasa kritikal na kundisyon sa walang tigil na pagbuhos ng malakas sa ulan na pumatay sa 38 na tao sa pagtama nito ang western at central Japan, ayon sa report habang mahigit na sa 1.6 milyon ang lumikas mula sa kanilang tahanan.
Nakataas pa rin ang special weather warning ng Meteorological Agency sa Japan para sa tatlong rehiyon ng isla ng Honshu, bumaba mula sa bilang na lima, at nagbabala sa banta ng landslide, pagtaas ng tubig ng mga ilog at malalakas na hangin na dulot ng tinawag na “historic” rains.
Ayon pa sa ahensiya, sa Motoyama, isang bayan sa Shikoku island, 600 kilometers mula sa capital ng Tokyo, 23 inches s ng ulan ang bumagsak sa noong Biyernes at Sabado.
Kabilang sa mga namatay ay ang isang lalaki na nahulog sa ilog mula sa tulay sa western Hiroshima city at ang 77-anyos na matanda sa Takashima na natangay naman sa kanal habang tinatanggal ang mga nakabara rito, ayon sa tala ng ahensiya.
Apat naman na tao ang nasa kritikal na kalagayan mula sa ilang bahagi ng Ehime, Hiroshima at Yamaguchi dahil naman sa insidente ng landslide.
Kahapon ng umaga (July 7), mahigit sa 1.6 milyon na indibidwal ang inutusang lumikas sa kanilang tahanan dahil sa banta ng baha at landslide habang 3.1 milyon pa ang inabisuhang umalis sabi ng Fire and Disaster Management Agency.
Ayon kay Chief Cabinet Secretary Yoshihide Suga nasa 48,000 na pulis, bumbero at miyembro ng Japan Self-Defense Forces ang rumiresponde upang magbigay ng tulong sa mga lumilikas. (Remate News Team)
Ok, I’m well and truly on #KamoRiverWatch… it’s getting even worse. Can no longer see any of the footpaths, it’s spilling over into the run off canal, there’s tree trunks washed up and I swear if I leaned over enough at the bridge then I could almost touch the water! #Kyoto pic.twitter.com/qVXQ65TM3o
— Girljin in Japan (@girljininjapan) July 6, 2018