Hitman, todas sa bodyguard; konsehal, tinangkang likidahin

Hitman, todas sa bodyguard; konsehal, tinangkang likidahin

July 30, 2018 @ 6:27 PM 5 years ago


Cebu City – Hindi nagawang malikidahan ng tuluyan ang isang konsehal matapos mapatay ang hitman nito ng bodyguard ng una sa Barangay Tejero, Cebu City, Lunes ng umaga.

Nakilala ang nakaligtas na Barangay official na si Jessielou Cadungog.

Si Cadungog ay dating naging kapitan bago naging konsehal ng Barangay sa Tejero.

Nagawa kasing mapatay ng kaniyang bodyguard ang gunman nang tambangan ang opisyal sa bahagi ng T. Padilla Extension kanto ng Alviola Street.

Kasabay naman na nadakip ang kasamahan ng suspek na si Michael Banua at ngayon ay nasa kostudiya na ng Cebu City Police Office (CCPO).

Sa naging pahayag ni Banua sa isinagawang interogasyon sa kanya ng pulisya, sinabi nitong isang pulis ang kasama nilang tumambang kay Cadungog.

Kaugnay nito ay agad nagsagawa ng follow up operation ang pulisya laban sa suspek na pulis na umano’y may ranggong PO2 para matukoy na rin kung sino ang nasa likod ng planong paglikida sa opisyal. (Jeff Gallos)