HIV vaccine test gamit mRNA tech sinimulan na

HIV vaccine test gamit mRNA tech sinimulan na

January 31, 2022 @ 9:02 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Sinimulan na ang pagturok sa tao ng ginawang anti-HIV vaccine gamit ang messenger RNA technology, ayon sa biotech firm Moderna at International AIDS Vaccine Initiative.

Ang nasabing hakbang ay Phase 1 ng isinasagawang trial na sinimulan sa United States kung saan kalahok ang 56 na malulusog na indibidwal na HIV-negative.

Sa kabila ng apat na dekadang pananaliksik, wala pa ring nagagawang bakuna para maprotektahan laban sa virus na nagiging dahilan ng AIDS na kumikitil na ng daang libong indibidwal sa mundo kada taon.

Pero muling nabuhay ang pag-asa sa pinakikitang tagumpay ng mRNA technology, na naging dahilan sa pagkagagawa ng COVID vaccines.

Sa ngayon, target ng pinag-aaralan bakuna ay para mapalakas ang pagpapalabas ng antibody na tinatawag na “broadly neutralizing antibodies,” o bnAbs.

Ang nasabing antibody ay maaaring magbigay proteksyon laban sa maraming variant ng HIV na kumakalat sa mundo.

Ang nasabing bakuna ay tuturuan ang B lymphocytes, na parte ng immune system para makagawa antibodies.

“The induction of bnAbs is widely considered to be a goal of HIV vaccination, and this is the first step in that process,” ayon sa Moderna at IAVI.

“Further immunogens will be needed to guide the immune system on this path, but this prime-boost combination could be the first key element of an eventual HIV immunization regimen,” ani David Diemert, ang lead investigator sa isa sa apat na sites kung saan isinasagawa ang trial.

“Given the speed with which mRNA vaccines can be produced, this platform offers a more nimble and responsive approach to vaccine design and testing,” pahayag ng Moderna-IAVI. RNT

“The search for an HIV vaccine has been long and challenging, and having new tools in terms of immunogens and platforms could be the key to making rapid progress toward an urgently needed, effective HIV vaccine,” giit pa ni Mark Feinberg, ang CEO ng IAVI. RNT