Hiwalayang Pokwang at asawa, kinonek sa politika!

Hiwalayang Pokwang at asawa, kinonek sa politika!

July 11, 2022 @ 2:28 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Nang pumutok ang balitang hiwalay na si Pokwang sa asawang American actor na si Lee O’Brian, ay isang netizen ang nagkomento na karma raw para sa komedyana ang pakikipaghiwalay kay Lee.

Ang netizen ay supporter ni Pangulong Bongbong Marcos. At kaya siya nakapag-comment ng ganu’n kay Pokwang ay dahil magkaiba sila ng sinuportahang presidente noong nakaraang eleksyon. Si Pokwang kasi ay isang Kakampink.

“Kaya pala masyadong bitter ngayon. Pinagkakaabalahan ang makipag-away sa mga pro-Marcos. Karma ba ‘yan @itspokwang27” pagkutya ng netizen kay Pokwang.

Binweltahan naman ni Pokwang ang kanyang basher. Ayon sa kanya, hindi raw ito karma kundi inihahanda siya para sa pagdating ng kanyang Mr. Right.

Sabi ni Pokwang published as it is, “hindi po karma ang tawag dun nililinis ni God ang daanan ko patungo sa tamang tao!

“Ikaw kapag namatayan ka ba ng kamag-anak mo karma agad? Bakit may pinatay ba ako? gaga ka?”

Hindi na sumagot pa ang netizen. Natakot siguro ito kay Pokwang. Rommel Placente