HK lawmaker nagpositibo sa COVID matapos mag-groupie kay Xi Jinping

HK lawmaker nagpositibo sa COVID matapos mag-groupie kay Xi Jinping

July 4, 2022 @ 9:01 AM 1 month ago


HONG KONG – Isang mambabatas sa bansang ito ang nagpositibo sa coronavirus matapos na nagpa-group photo kasama si Chinese President Xi Jinping sa pagbisita ng pinuno sa financial hub nitong linggong.

Bumisita si Xi sa Hong Kong sa ilalim ng mahigpit na mga hakbang sa seguridad upang markahan ang ika-25 anibersaryo ng paglipat ng lungsod mula sa Britain.

Ito ang kanyang unang paglalakbay sa labas ng mainland China mula nang sumiklab ang pandemya.

Si Steven Ho, isang 42 taong gulang na miyembro ng pinakamalaking partidong pro-Beijing ng Hong Kong na nakaupo sa rubber stamp legislature ng lungsod, ay isa sa humigit-kumulang 100 opisyal na binigyan ng malapit na pakikipag-ugnayan kay Xi para sa isang photo call noong Huwebes ng hapon.

Si Ho ay nakatayo sa dalawang hilera sa likod ni Xi, ayon sa mga larawang inilabas ng gobyerno.

Nagnegatibo ang mambabatas sa unang araw ng pagbisita ni Xi noong Huwebes.

“The sample of July 1 was one with extremely low infectivity and it was categorized as ‘uncertain’, but for the sake of public security, I did not participate in the events on that day,” ani Ho.

Si Ho ang pangalawang miyembro ng DAB party na nagpositibo sa pagbisita ni Xi. RNT