Hog repopulation sisimulan na sa Iloilo kasabay ng ASF

Hog repopulation sisimulan na sa Iloilo kasabay ng ASF

January 6, 2023 @ 6:25 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Naghahanda na ang pamahalaang panlalawigan ng Iloilo na simulan ang hog repopulation sa mga red zone areas sa kabila ng patuloy na pananalasa ng African swine fever sa probinsya.

“We have to roll with the punches. We have to adjust to the situation. Moving forward when we are fighting for the supply of hog in the province, we also want to strengthen the biosecurity measures of our backyard,” pahayag ni Iloilo Governor Arthur Defensor Jr. in sa panayam nitong Biyernes, Enero 6.

Nakipagkita ang gobernador sa Department of Agriculture Bureau of Animal Industry (DA-BAI) at mga provincial at municipal veterinarians sa kaparehong araw upang pag-usapan kung paano sisimulan ang naturang plano.

“We have to think of our supply three months from now. We have to find a way to breed even with ASF,” dagdag ni Defensor.

Ang target ay simulan ito sa mga munisipalidad ng Oton at San Miguel kung saan naitala ang mga unang kumpirmadong kaso ng ASF sa probinsya.

Sa naturang ideya, gagamit ng artificial insemination.

Ayon sa gobernador, nasa 40% ng hog population sa bayan ng Oton ang hindi apektado ng ASF.

Sa datos naman mula sa Office of the Provincial Veterinarian, 2,139 na mga baboy sa munisipalidad ang namatay dahil sa hinihinalang kaso ng ASF batay sa datos noong Enero 4 habang nasa 898 swine heads ang nadepopulate hanggang nitong Disyembre 14.

Sa San Miguel naman, tanging 158 na baboy ang namatay sa hinihinalang ASF habang 466 na swine heads naman ang nadepopulate.

Ani Defensor, ang hakbang na ito ay layong mapalitan ang mga nawalang baboy para sa kasapatan ng suplay sa mga munisipalidad.

Hanggang nitong Enero 3, mayroong 11 munisipalidad ang nakapagtala ng kaso ng ASF, ito ay ang mga bayan ng Oton, San Miguel, Leganes, New Lucena, Alimodian, Santa Barbara, Mina, Barotac Nuevo, Dumangas, at Banate na nananatiling nasa ilalim ng red o infected zone habang ang Barotac Viejo ay nananatili sa pink o buffer zone. RNT/JGC