Hold departure order ikinasa vs opisyal ng barkong sangkot sa OccMin collision

Hold departure order ikinasa vs opisyal ng barkong sangkot sa OccMin collision

July 15, 2020 @ 2:19 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinagbawalang makalabas ng bansa ang mga opisyal ng MV Vienna Wood na nakabangga sa fishing boat na Liberty 5 sa Mamburao, Occidental Mindoro.

Ayon sa impormasyong ibinigay ni Philippine Coast Guard Spokesperson at Commodore Armand Balilo,  kabilang sa pipigilang makaalis ng bansa sina Nomikos Transworld Maritime ship captain Zhang Wei Wei, Shi Bin third officer, Yang Xifeng Chief Officer at Yi Lie Second Officer.

Ito ay matapos na pagbigyan ni Hon. Ulysses D. Delgado, presiding judge ng  RTC, Branch 44, Mamburao, ang inihaing Hold Departure Order ng PCG legal team laban sa mga opisyal ng barko.

Una nang kinasuhan ng PCG ng “Reckless Imprudence Resulting to Multiple Homicide and Damage to Property” ang may-ari ng barko at mga opisyal nito dahil sa nangyaring insidente.

Sakay ng Liberty 5 ang 14 na mangingisda na hindi na nakita pa sa isinagawang search and retrieval operations matapos tumaob ang kanilang fishing boat.  Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...