Hold departure order isasampa vs. Poblacion Girl

Hold departure order isasampa vs. Poblacion Girl

January 6, 2022 @ 7:52 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Plano ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na magsampa ng hold departure order ;aban sa balikbayang galing sa United States na hindi sumailalim sa mandatory quarantine at dumalo pa ng party sa Makati.

Sinabi ng CIDG na inihahanda na nila itong isampa sa Makati Prosecutor’s Office.

Kinilala ang balikbayan na si Gwyneth Chua o binansagang ‘Poblacion Girl’ na lumabag sa protocol.

Kasama sa kakasuhan ang kanyang magulang, limang hotel personnel at kanyang kasintahan sa paglabag sa Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

“We are planning to file yung hold departure order para during the trial palagi pong maka-attend si Ms. Chua doon sa court hearing. In coordination po doon sa Makati Prosecutor’s Office,” ayon pa sa CIDG.

Samantala, hinahanap na ng CIDG personnel ang iba pang nakasalamuha nito.

“Yung mga kasama po during the dinner nasa quarantine pa po sila, kinocontact po natin para mainterview para magbigay po sila ng statement. Initially, po ang tinitignan natin yung dahil po nahawa sila doon po sa reckless imprudence.” RNT/FGDC