Holdaper na lider ng gun for hire, tiklo!

Holdaper na lider ng gun for hire, tiklo!

July 4, 2022 @ 1:42 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nasakote ang 38-anyos na wanted sa kasong “murder” at umano’y lider ng gun for hire at robbery hold-up ng magkakasanib na puwersa ng pulisya sa Antipolo City.

Kinilala ang naaresto na si Jed Patrick Real, 38-anyos, binata at nakatira sa No. 003 Phase-3, Virginia Subd., Brgy. Mambugan sa lungsod.

Dakong alas-11 ng umaga nitong Sabado, inaresto sa warrant of arrest na ini-isyu ni Hon. Rey Rangco Lor, Presiding Judge Fourth Judicial Region, RTC Branch-138 Antipolo City ang suspek sa kasong murder na may cc#22-78825 at walang inirekomendang bail sa Marcos Highway, Blue Mountain Subd., Brgy., Mambugan sa lungsod.

Ayon sa pulisya, nadakip ang akusado sa “Oplan Tugis at Salikop” ng magkakasanib na puwersa ng operatives Southern Metro Manila District Field Unit ng NCR-CIDG na siyang nanguna sa operasyon, CIDG 4A, RIU 4A,DMFB SPD at Antipolo PNP.

Sa record ng pulisya, lumilitaw na ang suspek o si Real ay lider ng JP Real Criminal Group (Unlisted) under IR, no. NCRCIDU SMM-22-06-099 na sangkot sa Gun for hire, Gun Running at Robbery hold-up na, nag-ooperate sa timog na bahagi ng Metro Manila at kalapit na lalawigan. Rene Tubongbanua