Holdaper na taxi drayber nanlaban, patay!

Holdaper na taxi drayber nanlaban, patay!

June 6, 2022 @ 5:16 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Patay sa enkwentro sa pulisya ang isang taxi driver na umano’y nangholdap ng kanyang pasahero sa Taguig City Linggo ng madaling-araw.

Una rito ay sumakay ang biktima sa taxi na minamaneho ng suspek na si Ryan Guanieso dakong 1:50 ng madaling araw ng Linggo sa C-5 Sampaguita West Service Road malapit sa Gate 1 ng AFPOVAI sa banda ng Bonifacio Global City sa Taguig. City .

Sa salaysay ng biktima sa Pulisya, nang mapalapit na umano sila sa American Cemetery, itinabi ng suspek ang taxi saka bumunot ng baril bago nagdeklara ng holdap at kinuha ang kanyang wallet at cell phone; Pinababa umano siya ni Guanieso bago pinasibad ang taxi.

Nagawa naman makahingi ng saklolo ng biktima sa mga Pulis Taguig Substation 1 Bonifacio Global City na kasalukuyang nagpapatrolya ng mga sandaling iyon na nangyari ang panghoholgad sa dikalayuan.

“The responding officers who were conducting mobile patrolling at said area immediately responded and chased the aforementioned vehicle which resulted to an armed encounter. The encounter resulted to the death of Guanieso,” sabi ng Southern Police Distirct sa pahayag.

Sa ulat ng SPD , hindi tinukoy ang pangalan ng biktima, gayundin kung ano ang detalye gaya ng saan eksakto nangyari ang encounter sa taxi driver/holdaper.

Nakuha naman sa crime scene bilang ebidensya ang isang baril, tatlong bala, ang taxi na Toyota Vios na mayroong plate number ABG 8774 na ginamit ng suspek sa panghoholdap.

“Ito po ang mangyayari sa kriminal na manglalaban sa ating mga kapulisan, gusto po nmin ipaalala na ang layunin ng inyong kapulisan ay protektahan ang ating mga kababayan sa mapansamantalang mga kriminal, at hindi din po kami mangingimi na ipagtangol ang aming sarili kung ito ay nasa tiyak na panganib,” sabi ni SPD Director BrigGen Jimili Macaraig. Dave Baluyot