Holdaper ng Alfamart, todas sa Bulacan

Holdaper ng Alfamart, todas sa Bulacan

July 4, 2022 @ 3:24 PM 2 months ago


Bulacan- Patay ang isang lalaki na umanoy nangholdap ng convenience store matapos tugisin at makipagbarilan sa follow up operation ng mga pulis sa lungsod ng Malolos.

Sa report ng pulisya, dalawang hindi nakilalang lalaki ang nanloob sa Alfamart sakop ng Brgy.Sumapang Matanda.

Nang makarating sa pulisya ang insidente ay agad nagsagawa ng follow up operation hanggang sa mamataan ang mga suspek lulan ng motorsiklo bandang alas-4:30 amng amdaling araw sa kahabaan ng Patubig, Brgy. Niugan.

Pinara ng mga pulis ang mga suspek subalit imbes na huminto ay patuloy na humarurot ang mga ito.

Sa di-kalayuan ay nakorner ang mga ito hanggang sa bumunot ang isa at nagpaputok kaya ginantihan ng mga tumutugis na pulis na agarang ikinamatay nito.

Nakatakas naman ang isa sa suspek na lulan ng motorsiklo nang humupa ang mga putok.

Narekober sa lugar ang isang cal.38,mga bala,basyo,Jansport backpack Gucci sling bag,cellphone,black jacket,long sleeves,green short, dalawang tube mask, burlap sack, P177,840 at BDO cash transaction slip.

Sinasabing ang napatay na lalaking may tattoo ng espada sa kaliwang braso ay nasa edad 30 hanggang 35 nakasuot ng puting t-shirt,black leggings at tinatayang may taas na 5’4”.

Patuloy ang imbestigasyon at follow up operation ng pulisya para mahuli ang nakatakas ng suspek. Dick Mirasol III