Holiday economics ni PBBM suportado ni Salceda

Holiday economics ni PBBM suportado ni Salceda

January 19, 2023 @ 1:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Ipinagtanggol ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay Rep Joey Salceda ang “holiday economics” ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa basehang magpapalakas ito sa domestic tourism ng 10%.

Ang pagdagdag ng holiday ay tinututulan ng ilang sektor dahil sa makakaapekto ito sa productivity ng Pinoy workers at dagdag sa labor costs subalit paliwanag ni Salceda, mas marami ang positibong dulot ng mas mahabang holiday weekends.

“It will add value to several other industries based on an analysis of Input-Output tables by the Philippine Statistics Authority. There will be subsequent increases in the following areas: 4.9 percent in personal consumption, 3.5 percent in final demand and total consumption, 8.8 percent in gross value-added (GVA) for trade, 5.5 percent in GVA for food manufacturing, 5.4 percent in GVA for transport, 4.4 percent in recreational activities GVA and 5.9 percent in hospitality GVA,” paliwanag ni Salceda.

“As a result of PBBM’s policy, there will be 10 long weekends this year. That will boost domestic tourism significantly, especially with ‘revenge travel’ or people trying to regain foregone experiences during COVID-19 lockdowns,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng holiday economics ng administrasyon ay iuusog ang holiday upang magkaroon ng mas mahabang weekend, ito ay para makapanghikayat ng domestic travel at tumaas ang tourism expenditures.

Ang ginawang holiday economics ay hindi naman nangangahulugan na dagdag na holiday bagkus mananatili pa rin ito sa dating 18.

“PBBM did not increase the number of regular and special non-working holidays and kept it at 18. This helps maximize the tourism gains due to long weekends without increasing labor costs for industries,” pagtatapos pa ni Salceda. Gail Mendoza