Hollywood actor, atat makatrabaho si Bea!

Hollywood actor, atat makatrabaho si Bea!

July 8, 2022 @ 9:34 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Narito ngayon sa bansa ang actor, producer, director at playwright na si Michael Copon.

Hindi ito ang unang beses na makarating ang bida ng Scorpion King 2 One Tree Hill.

But this time around, he flew in with his wife and child.

Kasama rin niyang bumiyahe ang kanyang cameraman at production team for the filming of the movie 1521.

Maraming arqw raw ang gugugulin niya sa pagsasapelikula ng kuwento which he co-wrote with Francis Lara Ho.

And guess kung sino ang napisil niyang local actress na bida sa 1521?

Walang iba kundi si Bea Alonzo!

Aber, anong papel ang gagampanan ni Bea?

Since the story dates back to the pre-Spanish era, Bea is set to play a young goddess-like princess who falls in love with a smashingly good-looking Spanish soldier.

Habang ang papel naman ni Michael ay si Lapu-Lapu.

Also in the cast is Maricel Laxa na ewan kung paano niya maisisingit ang shoot while taping for Apoy sa Dagat.

Ito rin kasi ang tanong kung magkakaroon ng time si Bea for the shoot while doing Start-up with Alden Richards.

If ever, this is Bea’s first Hollywood film albeit to be filmed in the country.

For sure, this is not welcome news para kay Lolit Solis…Lol! Ronnie Carrasco III