Hollywood invasion ni Heart, exag lang!

Hollywood invasion ni Heart, exag lang!

October 10, 2022 @ 8:52 AM 2 months ago


Hollywood, USA -Making mountains out of mole hills.

Ganito raw ka-exag kundi man OA ang press release ng kampo ni Heart Evangelista na na- penetrate na nito ang Hollywood.

Ito’y sa pamamagitan daw ng Bling Empire.

Inakala kasi ng marami na ito’y isang pelikula.

But truth is, it’s an American reality television series which tells of Asian-Americans living in Los Angeles, California.

Hindi rin daw kahabaan ang exposure doon ni Heart.

Dahil sa katunayan, her character pops in sa Season 3 nito at sa 9th episode.

Heart gets to appear for just two minutes at kaeksena niya ang Fil-Am friend niyang si Kane Lim.

But let’s face it, ke film or series pa ‘yon, ke mahaba o maikli lang ang exposure ng fashionistang aktres sa Bling Empire, it can be the beginning of bigger things coming her way.

Kumbaga, point of entry lang ‘yon ni Heart na sumipot daw sa taping accompanied by a Filipino designer.

In fairness, consistent daw si Heart with not sharing anything about her marriage to Senator Chiz Escudero on the set.

As in her lips were sealed daw.

Sa isang banda, mabuti na rin ‘yung two- minute exposure niya in the series.

Dahil kung bida o second lead siya roon, paano na lang ang acting career niya dito? Ronnie Carrasco III