Honararium sa guro sa Halalan 2022, dagdagan – Eleazar

Honararium sa guro sa Halalan 2022, dagdagan – Eleazar

March 28, 2022 @ 6:45 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Hinikayat ni senatorial candidate at dating PNP chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar ang pamahalaan na dagdagan ang honorarium na ibinibigay sa mga gurong mangangasiwa sa parating na halalan.

“Ako ay umaapela sa ating Commission on Elections na madagdagan sana ang honorarium ng mga guro na magsisilbi sa eleksyon. Ito rin ang pakiusap ng ating mga guro dahil ang kanilang honorarium ay nababawasan pa dahil sa 20 percent na tax na ipinapataw dito,” ani Eleazar.

“Alam din naman natin na sunod-sunod ang pagtaas ng bilihin ngayon kaya’t malaking tulong para sa ating mga guro, na hindi rin naman kalakihan ang kita, na magkaroon ng malaking honorarium para sa kanilang pagsisilbi sa halalan.”

Dapat aniyang itaas ang ibinibigay na honorarium dahil sa mahirap na trabaho at mga sakripisyong ginagawa ng mga guro tuwing may halalan, hanggang sa vote canvassing.

“Alam din naman natin na sunod-sunod ang pagtaas ng bilihin ngayon kaya’t malaking tulong para sa ating mga guro, na hindi rin naman kalakihan ang kita, na magkaroon ng malaking honorarium para sa kanilang pagsisilbi sa halalan,” ani Eleazar.

Karaniwang tumatanggap ang mga miyembro ng electoral board ng P6,000 hanggang P7,000 honorarium habang ang iba pang poll worker, medical personnel, at technical support staff ay tumatanggap ng P3,000 hanggang P5,000.

Una nang nanawagan ang ilang guro sa Commission on Elections na alisin ang 20% buwis sa kanilang honorarium para sa palapit na halalan. Hiniling din nila na ito’y dagdagan.

Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, nasa kamay ng Kongreso at BIR ang pagpapasya sa naturang isyu. RNT