Honey Quiño ng AQ, bet pantayan ang sipag ni Arnell Ignacio!

Honey Quiño ng AQ, bet pantayan ang sipag ni Arnell Ignacio!

September 14, 2022 @ 9:30 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Karamihan sa mga taga-industriya ay napa-‘wow’ nang na-appoint ang lawyer/film producer na si Mary Melanie “Honey” Quiño sa OWWA bilang Deputy Administrator for Operations. Suportado siya ng mga malalaking artista at ng kapwa producers.

Malaking hamon nga para kay mam Honey ang pagkakatalaga sa kanya dahil kung dati ay nasanay siya sa 8am-5am na oras sa kanyang work, ngayon ay 24/7 na siyang nagtatrabaho at kadalasan ay on-call pa.

Nasa frontline kasi si DA Honey lalo na sa pagsalubong sa mga repatriated nating mga distressed OFWs.

“Noong una ay nahirapan akong mag-adjust pero after two weeks ay parang sanay na ako,” paliwanag niya.

“Depende sa oras ng arrival ng ating mga kababayan, kahit na dis-oras nang gabi o madaling araw, kailangan kong pumunta sa airport para maipadama sa kanila na naririto lagi ang agensya para sa kanila.”

Isang abugado at film producer si DA Honey. Isa siya sa mga may-ari ng A&Q Production Films, A&Q Entertainment and Primestream, Inc. at AQ Prime.

Isa pang hamon na hinaharap ni DA Honey ay ang mapantayan ang dedikasyon ng OWWA Administrator na si Arnell Ignacio. Pareho kasi silang galing sa entertainment industry at alam niya ang track record ni Arnell.

“Si Arnell ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon para lalo kong pagbutihin ang aking trabaho. Amaze na amaze ako kay Admin Arnell dahil parang hindi niya alam ang salitang pahinga,” dugtong pa ni DA Honey.

“Very infectious ang work attitude ni Admin kaya naman dapat kami ring mga kasama niya, e, doblehin ang sipag. Worth it naman lahat kasi ibang fulfillment ang nadarama mo kapag nakikita mo na natutulungan ang ating mga kababayan,” pagtatapos niya. JP Ignacio