Honeymoon nina Derek at Ellen sa Africa, kanselado!

Honeymoon nina Derek at Ellen sa Africa, kanselado!

January 19, 2022 @ 8:17 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Napilitang kanselahin ng mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna ang kanilang supposed honeymoon trip sa Africa.

Supposedly, kasama nila si Elias, ang anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz. Ito raw kasi ang ipinangako nila sa bata.

Minabuti ng couple na i-forgo last minute ang kanilang pulot-gata dahil sa tumataas na bilang ng mga COVID-19 cases sa bansa.

Kung sa Africa raw ay walang problema dahil wala raw pagbabago roon ang rules.

Ang ikinatatakot ng mag-asawa’y baka mag-lockdown dito at ma-stranded sila sa Africa.

Samantala, masayang ibinalita ni Derek sa kanyang panayam sa DZRH na tinuturuan na raw niya ng konting sports si Elias.

Mahilig din daw itong kumain.

Patunay rin daw na civil sila ni John Lloyd sa isa’t isa ay nu’ng sunduin nito si Elias para makapiling niya.

“John Lloyd and I have the best interest for Elias,” sabi ni Derek. Ronnie Carrasco III