Hong Kong leader galing APEC, sapul ng COVID-19

Hong Kong leader galing APEC, sapul ng COVID-19

November 21, 2022 @ 10:28 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nagpositibo ang Hong Kong leader na si John Lee sa COVID-19 sa kanyang pagbalik galing sa Asia-Pacific summit, ayon sa city’s government nitong Lunes, ilang araw matapos siyang makipagkita kay Chinese President Xi Jinping at iba pang pinuno ng ibang bansa.

Bumisita si Lee sa Bangkok, Thailand nitong nakaraang linggo upang dumalo sa meeting ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) forum, at sinabi ng kanyang opisina na negatibo siya sa rapid antigen tests sa apat na araw na pananatili niya roon.

“The Chief Executive is undergoing quarantine in accordance with the guidelines provided by the Centre for Health Protection,” base sa government statement.

Ang APEC summit ang unang overseas trip ni Lee mula nang mag-umpisa ang pandemya halos ttalong taon na ang nakalilipas.

Nakaharap ni Lee sina Chinese President Xi Jinping, Thai Prime Minister Prayut Chan-o-cha, Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong, Indonesian President Joko Widodo, Vietnamese President Nguyen Phuc at iba pang senior officials sa forum.

Sa informal leaders summit nitong Biyernes, umupo si Lee sa pagitan nina Xi at Widodo, at kapwa sila hindi nakasuot ng face mask.

Target ng paglalakbay na buhayin ang estado ng Hong Kong bilang isang regional financial hub, matapos isara ang lugar sa mundo dail sa mahigpit na quarantine requirements para sa incoming travelers dahil sa pandemya.

Nitong mga nakaraang buwan ay niluwagan na ng pamahalaan ang mga restriksyon, at inalis ang mandatory hotel quarantine at binawasan ang bilang ng compulsory tests para sa arrivals. RNT/SA