HongKong break ni Pangulong Duterte, ipinaliwanag ni SAP GO

HongKong break ni Pangulong Duterte, ipinaliwanag ni SAP GO

October 8, 2018 @ 11:20 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Nagpaliwanag ang Malakanyang sa biglaang Hong Kong trip ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong weekend kasama ang kanyang partner na si Honeylet Avanceña at anak na si Veronica o Kitty.

Pumalag kasi ang mga netizens na wala sa timing ang pamamasyal at pag-shopping ni Pangulo sa Hong Kong sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa.

Ani Special Assistant to the President (SAP) Bong Go na kailangan din ng Pangulo ng pahinga at break sa kanyang trabaho dahil nakikita naman ng mga pilipino kung paano ito magtrabaho.

“Ang Pangulo nakikita nyo naman kung gaano siya ka-busy at gaano ka-dedicated sa pagtatrabaho, at walang oras lipad dito, pumupunta kami kahit hatinggabi ay nakikipagpulong, bumibisita sa mga kampo. Walang pili po yung oras ng Pangulo. Sana naman po ay mainrindihan nyo na tao naman siya at kailangan ng pahinga,” ayon kay Go.

Sinabi pa niya na kailangang isikreto ang lakad ng Presidente nitong weekend dahil gusto niyang magkaroon ng quality time sa kanyang anak na si Kitty at partner na si Honeylet.

Read: Pangulong Duterte, nagpahinga sa Hong Kong

Ayon naman kay Executive Secretary Salvador Medialdea, dapat lang na bigyan naman ng weekend break ang Pangulo dahil simula maupo ito noong 2016 ay puspusan ito sa pagtatrabaho./Remate News Team