Hontiveros nangangamba sa kasunduan ng NGCP, NICA

Hontiveros nangangamba sa kasunduan ng NGCP, NICA

March 15, 2023 @ 1:26 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Ipinahayag ni Senador Risa Hontiveros ang kanyang pag-aalinlangan tungkol sa bisa ng isang memorandum of understanding na pinasok ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA), na layong iwasan ang cyberattacks sa power grid ng bansa.

Kakaunti lang aniya ang magagawa nito upang mabawasan ang mga panganib sa kaligtasan at seguridad ng bansa.

“While I agree that the NGCP-NICA deal ‘was a good step in answering the challenge’ of cybersecurity in the country’s power system, there are critical strategic issues that urgently need further clarity. During the last Congress, questions and doubts about national security relating to power grid operations were extensively discussed up to the level of executive sessions in the Senate,” ani Hontiveros.

Nais munang linawin ng Senador kung nasa gobyerno na muli ang “actual full control” sa operasyon ng national grid system sa kabila ng 40% stake ng State Grid Corporation ng China sa power grid ng bansa.

“I stand by my assertion that our power grid will continue to be a target of cyber and other threats from China and other foreign countries for as long as it is not fully managed and secured by our very own government. I would like to know if the current government has assumed full control over the national grid,” sabi ni Hontiveros.

Dagdag pa ng Senador, mawawalan ng saysay ang pagtatatag ng matibay na firewall upang salagin ang mga pag-atake mula sa labas, kung nasa loob mismo ng “istruktura ng mga operasyon” ng grid ang tunay na banta.

“Paano mo po-protektahan mula sa outside attacks kung yung banta ay nasa loob mismo? The fact that China has control over the NGCP continues to worry me. Walang kwenta ang firewall kung ang Great Wall ay nandito na. When our power grid operator is owned by a foreign entity, whether in whole or in part, it will be more difficult for the government to defend it from cyber attacks,” ani Hontiveros.

Nauna nang hinimok ni Hontiveros na magsagawa ng isang national security audit upang suriin ang performance ng NGCP gayundin upang imbestigahan ang mga ulat na maaaring kontrolin at i-shut down ng China ang power transmission system ng bansa.

“May audit bang naisagawa kaugnay ng isyung ito? As far as I recall, during the previous hearings in the Senate, the Department of Energy and the Energy Regulatory Commission said they would conduct a thorough audit of the NGCP’s security issues. Pwede sanang batayan ito ng MOU sa pagitan ng NGCP at NICA,” sabi ng senador.

Binigyang-diin din ni Hontiveros na mahirap magtiwala sa gobyerno ng China dahil sa patuloy na presensya at panggigipit nito sa West Philippine Sea.

“China and the Philippines have unresolved conflicts over the West Philippine Sea. The last thing we need is a cyber attack from within—which may possibly be launched from the China headquarters of this state-owned company,” aniya.

“We can only hope that NGCP will genuinely collaborate with NICA, and that whatever intelligence information they obtain will be used for the benefit of the country rather than to give China an advantage,” pagtatapos ni Hontiveros. Ernie Reyes