Hontiveros sa DBM-PS: Pagtanggap ng proposals mula sa ‘dubious’ supplier itigil na

Hontiveros sa DBM-PS: Pagtanggap ng proposals mula sa ‘dubious’ supplier itigil na

August 30, 2021 @ 1:18 PM 10 months ago


Manila, Philippines — Nanawagan si Senator Risa Hontiveros sa Department of Budget and Management-Procurement Service (DBM-PS) na itigil na ang pagtanggap ng proposal mula sa umano’y ‘biggest supplier’ ng pandemic response supplies dahil sa  malapit na pagkakaugnay sa isang foreign firm na sinasabing nahaharap sa financial fraud.

“Pera ng taumbayan ang ginagamit para bayaran ang bilyon-bilyong halaga ng kontrata para sa ating COVID-19 response. Hindi pwedeng ang kaban ng bayan ay napupunta pala sa mga kumpanyang hindi pala mapagkakatiwalaan. This dubious supplier must go,” ani Hontiveros.

Sa pagdinig noong nakaraang linggo, napag-alaman ng mga senador na ang DBM-PS na may maanomalyang P8.6 bilyong nakakontrata sa Pharmally Pharmaceutical Corp.

Kinwestyon din ng mga senador kung bakit ibinigay ng DBM-PS ang mga kontrata na naka-award sa ‘less-known company’.

“It is unacceptable that DBM continues to award Pharmally with contracts. Is the DBM simply failing  to do its due diligence or is it in cahoots with this questionable local firm?” saad ni Hontiveros.

 “Either way, it is deplorable all the same. We should not hesitate to end contracts with companies that may be involved with illegal activities, whether here or abroad.” RNT/FGDC