Hontiveros sa Mindoro oil spill: PCG, MARINA officials panagutin!

Hontiveros sa Mindoro oil spill: PCG, MARINA officials panagutin!

March 17, 2023 @ 7:56 PM 6 days ago


MANILA, Philippines – Nais panagutin ni Senador Risa Hontiveros ang mga opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) at Maritime Industry Authority (Marina) sa kanila umanong “negligence and nonfeasance” sa malawakang oil spill na kumalat sa dagat sa Oriental Mindoro.

Ito ang sinabi ni Hontiveros nitong Biyernes, Marso 17, kasunod ng sinabi ni
Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang MT Princess Empress, motor tanker na lumubog sa Naujan karga ang 900,000 litro ng industrial fuel oil, ay “rebuild scrap” at hindi brand new.

“PCG officials who directly allowed this ‘scrap ship’ to depart from Bataan on February 27, 2023 – despite not meeting all requirements in the PCG’s own pre-departure checklist – should face the full brunt of the law. They should answer not only for this incident but also for the alleged eight other times that the scrap ship had been allowed to sail,” pahayag ni Hontiveros.

Nanawagan din siya na panagutin ang mga opisyal ng MARINA na pumayag sa barko na makapag-operate kahit na hindi ito “sea-worthy” at mahigit 50 taon na.

Dapat din aniya na makumpirma kung ang certificate of public convenience ba ng may-ari ng MT Princess Empress na RDC Reield Marine Services, ay naamyendahan para maisali ang lumubog na oil tanker.

Nagpahayag naman ng tiwala si Hontiveros sa Senate panel on the environment, natural resources, and climate change, na pinangungunahan ni Senator Cynthia Villar, na pananagutin ang mga responsable sa tinukoy niyang “environmental nightmare.” RNT/JGC