Hontiveros, Tolentino nagkasagutan sa sugar order

Hontiveros, Tolentino nagkasagutan sa sugar order

September 21, 2022 @ 11:44 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nagkasagutan sina Senate blue ribbon committee chairman Francis Tolentino at Senator Risa Hontiveros hinggil sa panggigiit ng oposisyon na “good faith” ang pagkilos ng agrikultura at Sugar Regulatory Administration officials na sangkot sa kongtrobersiyal na pagpapalabas ng Sugar Order No. 4.

Sa ginanap na plenaryo ng Senado, kinuwestiyon ni Hontiveros si Tolentino ang report ng Blue Ribbon na nagrerekomenda ng kasong administratibo at criminal laban sa sinuspindeng si Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian, dating SRA administrator Hermenegildo Serafica, at dating Board members Roland Beltran at Aurelio Gerardo Valderrama Jr.

Katuwiran ni Hontiveros na alinsunod sa minority report sa imbestigasyon, na “good faith” na puwedeng gamiting depensa ng indibiduwal na nag-akusa sa pagkilos ng akusado na hindi nila ginawa.

“‘Wag naman po sana natin na good faith can be negated. Minsan po kapag po ‘yung mga posibleng inosente ay inaakusahan ng mga krimen na posibleng hindi naman nila ginawa, minsan po, Mr. President, good faith na lang ‘yung huling depensa nila at ‘wag naman po sana nating ipagkait ‘yon sa kanila,” aniya.

Sa huling bahagi ng interpelasyon, pinuri ni Tolentino ang minority bloc sa pagkakaroon ng substantial report pero ipinaliwang niya na mamamayani ang majority bloc report kaysa sa ipinalabas ng minorya.

Binanggit din nitya ang salitang “deluged” na bagong terminong napapakinggan tulad ng“badges of good faith.”

“In my entire law study, there are badges of fraud, badges of bad faith but not badges of good faith,” ani Tolentino.

Pero, binanggit ni Hontiveros ang ilang desisyon ng Supreme Court na maaaring maging basehang legal para sa good faith bilang depensa ng akusado.

“With all due respect, the Supreme Court itself used the phrase ‘badges of good faith’ in the September 2020 case of Madera vs Commission on Audit, in the October 2020 case of De Guzman vs Commission on Audit, and in the November 2020 case of SSS vs. Commission on Audit,” aniya.

“Of course, Mr. President, these cases are quite new so we should not fault the chair if he does not know of these new cases,” dagdag niya.

Ngunit, kaagad pinutol ni Tolentino ang manipestasyon ni Hontiveros sa remarks nito.

“I take offense, Mr. President, to that attribution…My lack of knowledge should not be implicated here. I have a law exam on Tuesday so I am still a law student right now. Perhaps your staff are not the law students here,” giit niya Hontiveros.

Ipinaliwanag ni Hontiveros na walang offense na ibig sabihin sa kanyang pananaw saka sinabing hindi siya abogado tulad ni Tolentino.

Hiniling naman ni Tolentino na alisin ang remarks ni Hontiveros sa records ng Senado na hindi naman tinutulan ni Risa.

Dahil dito, muling napikon si Tolentino kaya’t nasambit nito na: “If there is an incumbent student here, I am the one.”

Kaagad sinuspinde ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang sesyon upang palamigin ang dalawang nagtutunggali.

Pagbalik ng sesyon, kaagad binanggit ni Hontiveros na hindi niya tinututulan ang pag-aalis sa kanyang remarks sa Senate records at saka humingi ng paumanhin kung na-offend si Tolentino sa kanyang pahayag.

“I’m sorry that I caused offense to the good chair. I just wish to assure, Mr. President and the colleagues, no offense meant. I was simply saying that we should not fault anyone if [they are] not yet aware of these new facts. I just want to reassure that there is a legal basis for usage [of the phrase],” aniya.

Dahil dito,sinuspinde ang interpleasyon sa committee report ng blue ribbon. Ernie Reyes