Hornet winalis ang Bucks

Hornet winalis ang Bucks

January 11, 2022 @ 12:10 PM 7 months ago


MANILA, Philippines – Umiskor si LaMelo Ball ang winning basket bilang bahagi ng kanyang naipundar na 23-point, sa laban ng Charlotte Hornets kontra Milwaukee Bucks, 103-99.

Dalawang ulit na tinalo ng Charlotte ang defending champion sa tatlong gabi para kumpletuhin ang 3-0 homestand.

Ginawa ni Ball ang tiebreaking basket sa isang floater nang tumawid siya sa lane may 15.4 na segundo na nalalabi.  Pagkatapos ng timeout, ginawa ng Milwaukee ang ika-20 turnover nito sa kasunod na inbounds play bago gumawa si Miles Bridges ng pares ng mga free throws.

Umiskor si Terry Rozier ng 27 puntos, tumapos si Bridges na may 17 puntos at 11 rebounds at si Gordon Hayward ay nagbigay ng 14 puntos para sa panalo.

Nanguna naman si Khris Middleton  ang Giannis Antetokounmpo na kumamada ng 27 at 26, ayon sa pagkakasunod-sunod, para Bucks.JC