HOROSCOPE APRIL 21, 2022

HOROSCOPE APRIL 21, 2022

April 21, 2022 @ 7:00 AM 2 months ago


 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Kung may motibo ka sa kanya, siguraduhing maganda. Kasi, umaasa siya na mabuti kang tao at pati na rin ang iyong layunin. Naghihintay lang siya na mauna kang kumilos. Kasi, matagal ka na rin niyang pinapangarap.

 

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Nuknukan ka raw ng kuripot sabi ng mga kaibigan mo. Walang masama sa gayun. Pero, huwag naman laging ikaw na lang ang inililibre. Pero, huwag ding pumayag na ikaw ang taya. Tamang hatian lang saka walang lamangan.

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Magtataka ka kung bakit nababawasan ang pera mo sa credit card. Kasi, kagagawan iyan ng mga dyunakis mo. Order ng order sa online. Pagsabihan sila na magtipid. Hindi kako pinupulot ang pera. Pinagpupuyatan mo lang.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Likas na sa iyo ang masama ang tingin. Dahil d’yan, magkukrus ang landas n’yo ng soulmate mo. Anong magagawa niya kung salubong ang kilay mo. ‘E gayun talaga. Pero, kapag nalaman niya na kengkoy ka, matutuwa siya at mahuhulog ang loob niya sa iyo.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Ang laki ng katawan mo pero hindi sila takot sa iyo. Hindi ka naman kasi bully. Kaya natatawa sila dahil boses duwende ka. Huwag mo itong ipababago, ganyan talaga. Susuwertihin ka naman dahil sa iyong kabaitan.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Natural lang na malungkot ka dahil sa kabiguang natamo. Nabasag mo na ang mga alkansya mo, pero, wala pa ring epek ang panu-nuyo mo sa kanya. Puro kamig lang siya. Ang totoo, hindi ka bigo. Sosorpresahin ka lang ng nililigawan mo. May ibibigay siyang regalo sa iyo.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) —  Panahon na upang wakasan ang gap n’yo ng iyong kaibigan. Pareho lang kasi kayong nahihirapan. Malalim ang inyong pinagsamahan. Kahit siya ang may atraso, ikaw na ang makipag-ayos. Ibayong suwerte ang hatid ng inyong pagkakasundo dahil mapapalago ninyo ang isang negosyo.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Bago ka nila husgahan, tingnan muna nila ang kanilang mga sarili sa salamin. Baka sila ang may puwing. Gayunman, huwag mong gantihan ang mga taong naninira sa iyo. Dahil ang totoo, frustrated lang sila dahil hindi nila mahuli ang loob mo.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Sa susunod na quarter moon, darating na sa iyo ang hinihintay mong transaksyon. Huwag ka lang tatalon ng mataas sa tuwa. Kasi, baka matibo ka ng bubog. Pag-ibayuhin pa ang pagsisikap dahil sunod-sunod na darating sa iyo ang biyaya.

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Sa susunod na linggo, tatawagan ka ng isang kaibigan. Ang kaibigan mong ito ay matagal mo nang hindi nakita. Isang magandang balita ang sasabihin niya sa iyo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) May taghiyawat ka, besh? Please, huwag mo itong tirisin. Ikaw naman kasi, makinis na ang balat mo at maputi, nag-a-astringent ka pa. Nagtampo ata. Don’t worry, isang kakilala mo naman ang magbabayad ng utang niya sa iyo kahit hindi mo siya sinisingil.

 

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) —  Kahit totoo ang tsismis tungkol sa iyo, huwag mong papatulan ang mga nagkakalat nito. Hayaan mo silang gayun para madala. Hindi naman kasi iyon negatibo, napag-uusapan ka lang. Mga kulang lang siguro sila sa pansin.