HOROSCOPE APRIL 28, 2022

HOROSCOPE APRIL 28, 2022

April 28, 2022 @ 7:00 AM 2 months ago


 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Over qualified ka raw sa posisyong inaaplayan mo. Pero, dahil sa mababa ang iyong loob, papayag ka na tanggapin ang trabaho kahit mababa ang suweldo. Pero, ‘pag lumakas ang kompanya dahil sa iyo, tataasan nila agad ang sahod mo.

 

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) —  Para kang kumikislap na bituin ngayon. Ang lakas ng charm mo at aura. Kaya, makukuha mo ang gusto mo sa kanya. Hindi siya makatatanggi kapag hiniram mo ang credit card ng hubby mo, magtatagumpay ka at sky is the limit ang shopping mo.

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Kapag kumukulo na ang tubig, hinaan mo na ang apoy. Ganyan dapat apulahin ang bangayan ng ibang beshy mo sa social media dahil sa kanilang manok na mga politiko. Huwag kang tumulad sa kanila. Kapag nanalo ang isang politiko sa inyo, kukunin niya bilang opisyal.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Masyadong madrama ang kasuyo mo dahil lamang sa hindi mo lang nareplayan sa chat. Ikaw naman ang kumulit sa kanya. Sa gayun ay mawala ang tampo niya. Kapag nagkagayun, pagbibigyan ka nila sa hiling mo. Tatlong kiss sabay goodnight sabay bye-bye.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Isang taong hindi mo lubusang kilala ang kukuha ng iyong atensyon. Ito ang simula ng inyong pagkakaibigan. Malaki ang maitutulong niya sa iyo upang magkaroon ng puhunan, laway lang ang gagamitin. Ibabagsak niya sa iyo ang produktong ibebenta mo at porsyentuhan ang hatian ng kita.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Hindi ka pwedeng pabayaan ng langit, lalo na’t nakaamba sa buhay mo ang kalungkutan. Kasi, lalayo ka na sa lugar na iyong kinalakihan. Doon ka sa iba dadalhin ng langit upang matupad ang plano para sa iyo. Ang pagkakaroon ng magandang kinabukasan.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) —  Susubukan ng ilang tao ang iyong pasensya. Huwag pahuhulog sa kanilang bitag. Sinusubukan lang nila kung hanggang saan ka. May reward naman silang ibibigay sa iyo kapag nalampasan mo iyon sa pamamagitan ng pagiging mahinahon.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Kahit ‘di na uso ang padala-dala ng sulat at mga tula-tula sa pandidiga, ito ang magiging alas mo upang makuha ang matamis na oo ng iyong nililigawan. Kahit 7 ang karibal mo, ikaw ang sasagutin niya dahil ibang klase ang iyong panliligaw na old school. Mas romantic kasi ang dating nu’n.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Totoo ang iyong hinala na bibigyan ka ng puhunan ng iyong kaibigan. Alam niya kasi na mapagkakatiwalaan ka. Madaragdagan ang puhunang gagamitin para sa sisimulan mong negosyo.

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Napapansin niyang lagi kang nakatitig sa kanya. Umpisa na ito upang unti-unting mahulog ang loob niya sa iyo. May hitsura ka rin naman kaya hindi na siya talo. May matatag na trabaho at malaki ang suweldo. Basta, iwasan mo lang ilabas ang dila mo kapag nakangiti ka, kasi mannerism mo ‘yan e. Baka bigyan niya iyon ng ibang kahulugan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Mapapanaginipan mong nakatali ka sa isang puno na wakwak ang damit habang nasa lugar ng mga amazona. Magandang senyales ito dahil lumalakas na raw ang dating mo sa mga babae. Pag-aagawan ka na nila ‘di gaya dati. Kasi, nakatakda kang tumama sa lotto. Alagaan mo ang nasabing numero. Kapag nanalo ka na, huwag ka nang tataya uli.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) —  Huwag kang mawawalan ng pag-asa. Actually, hinihintay ka lang niyang lumapit sa kanya. Patatawarin ka niya sa iyong kasalanan. Kaya, effort lang talaga ang kailangan upang kayo’y magkabalikan. Saka isang box ng tsokolate at tatlong bungkos ng bulaklak na rosas, ‘yung walang tinik ha.