HOROSCOPE APRIL 4, 2021

HOROSCOPE APRIL 4, 2021

April 4, 2021 @ 7:00 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) —  Ipagpaliban ang pagbibitiw ng anomang desisyon kung hindi rin lang kayang panindigan. Sa larangan ng pag-ibig, ang pagiging maalalahanin ay magiging daan sa kaligayahan.  

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Sa malapit na hinaharap ay nakatakdang makamtan ang bunga ng mga pagsisikap at pagtitiyaga sa trabaho. Dapat nang maging matalino sa paghawak ng salaping pinaghihirapan.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Dahil sa maayos na takbo ng kapalaran, ngayon na dapat ituloy ang planong pagpapahusay sa takbo ng career o negosyo. Dapat samantalahin ang lahat ng pagkakataon sa pagpapaunlad ng kabuhayan habang nasa palad pa ang swerte.

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)   Dapat maging maingat sa pakikihalubilo sa mga taong nagkukunwaring mabuti dahil higit silang makamandag. Hindi dapat husgahan ang sinomang makadaraupang-palad sa araw na ito batay sa panlabas na kaanyuan.

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)   Magkakamit ng dobleng pakinabangan sa paghahanapbuhay kung magkakaroon ng magandang relasyon sa mga taong may kaugnayan sa pinatatakbong sariling negosyo o trabaho. Umiwas makarelasyon ang may salawahang puso.

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) —  Huwag maghintay ng anomang papuri o gantimpala sa magagandang bagay na ginagawa dahil sa dakong huli ay makakamit din ang mga kagantihan. Bigyang-kasiyahan ang sarili sa paglalaan ng oras sa paglilibang.

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) —  Umaayon ang galaw ng mga bituin upang maging angat sa iba ang kalidad ng angking kakayahan at talento sa nililinyang trabaho. Ang minamahal ay lalo pang maaakit ngayon sa taglay na malakas na karisma.  

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Hindi dapat maaksaya ang oras sa mga kabarkadang mahihilig sa bisyo at walang pinapangarap na magandang bukas.  Pag-ukulan ng pansin ang pagdaragdag ng tiyaga at kaalaman sa trabaho upang makamit ang hinahangad na pag-asenso.

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Mapagwawagian ang ipinaglalaban na karapatan at benepisyo sa trabaho, hindi sa pakikipagmatigasan kundi sa madiplomasyang pamamaraan.  Ngayon magagamit sa pansariling interes ang taglay na karunungan.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Ang maganda at maayos na pasimula sa itinataguyod na proyekto ngayon ay matatapos ng walang anomang magiging problema. Hindi dapat mahaling sa kislap ng salapi na karaniwang dahilan ng pagkawasak ng kahit na anong samahan.

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) —  Isang malapit na kaibigan o kamag-anak na may kakayahang makalutas sa pinapasang problema ang kusang mag-aalok ng tulong. Mag-ingat sa pagbibitiw ng salita sa kaharap upang hindi malagay sa alanganing sitwasyon. 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) May naghihintay na mabuting kapalaran sa isang malayong lugar na binabalak puntahan sa malapit na hinaharap. Makakaharap na ngayon ang taong magpapatibok ng iyong puso.

 

 


  •  
  •  
  •