HOROSCOPE APRIL 5, 2021

HOROSCOPE APRIL 5, 2021

April 5, 2021 @ 7:00 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) —  Makatatanggap ng magandang balita na may kinalaman sa career o negosyo.  Mawawalan ng kabuluhan ang darating na oportunidad kung magiging pabaya.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) —  Pahalagahan ang binibitiwang salita at iwasang sumira sa pangako dahil makaaapekto ito sa kredibilidad balang araw. Tandaan na ang mga nag-iingat ng dangal ay nag-iingat din ng kayamanan.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Isang kaibigan ang magbibigay ng pagkakataon na magkaroon ng  trabaho o pagkakakitaan. Magsisilbing tulay ang kaibigan upang makasundo ang minamahal.

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)   Dahil sa pagiging responsableng tao, mapapanatili ang maayos na takbo ng buhay sa loob at labas ng tahanan. Hindi dapat tumigil sa pagsusulong ng proyektong pangkabuhayan dahil pumapabor ang galaw ng mga bituin sa pagkakamit ng tagumpay.

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)   Ang binabalak na maliit na negosyo ang magbibigay ginhawa sa pamilya kung pagtitiyagaan. Ito ang tamang panahon sa pagsasakatuparan ng mga balak, maging sa usapin man ng puso.

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) —  May importanteng gagawin ngayon sa trabaho na makaliligtaan dahil sa barkada o problema.  Huwag isakripisyo ang tiwala ng minamahal.

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) —  Ang pagiging listo at pagtataglay ng matalas na isipan ang maglalayo sa araw na ito sa mapagsamantalang tao. Maging sensitibo sa damdamin ng minamahal upang higit na makaunawa.

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Maging maingat sa pagbibitiw ng mga salita dahil sa huli ay maaaring ikapahiya. Hindi dapat madamay ang kaibigan sa problema sa minamahal.

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Bigyan ng atensyon ang uri ng mga kinakain nang maingatan ang kalusugan. Umiwas sa mga kaibigan o kabarkadang mahihilig sa mga panggabing aktibidad.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Ang kinahuhumalingang hilig ay mapakikinabangan sa hinaharap kung maisasangkap sa career o negosyo. Paunlarin ang karanasan at kaalaman upang magtagumpay sa pipiliing linya ng hanapbuhay.

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) —  Ipagpatuloy ang pagsisikap at pagtitiyaga pero higit na pahalagahan ang pagkakaroon ng kapanatagan ng isipan. Magiging malaking pakinabang ang dating kinaiinisang kaibigan ngayong araw.

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Mauuwi sa pangungutang o kakapusan ang binabalak na paglilibang kung hindi magpaplano ng maaga. Huwag magbitbit ng sakit ng ulo sa minamahal o pamilya nang makakuha ang suporta sa mga binabalak.

 

 


  •  
  •  
  •