HOROSCOPE APRIL 6, 2021

HOROSCOPE APRIL 6, 2021

April 6, 2021 @ 7:00 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) —  Ang paboritong pagkain o mabibiling gamit ang siyang magpapagaan ng kalooban sa araw na ito. Isang hindi inaasahang bisita ang makauunawa ng iyong kalagayan.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) —  Marami ang matutuwa sa mga accomplishment mo ngayong araw. Iwasang maging mayabang sa pagdaan sa sunod-sunod na tagumpay.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Malulunasan ang problema sa pinansyal at makaiiwas sa pangungutang kung mauunawaan ang daloy ng kinikita. Hindi dapat mawala sa isipan ang pag-iimpok para sa hinaharap.

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)   Makararamdam ng panlulumo bunga ng ‘di stable na career o negosyo. Subalit mapagtatagum­payan dahil sa determinasyon.

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Iwasang makipagtalo sa isang Cancer ngayong araw kahit nasa panig ng katwiran upang hindi mapahiya. Paglabanan ang init ng ulo.

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) —   Magkakaroon ng tensyon sa trabaho kung paiiralin ang mataas na pride. Hindi magiging kalugihan kung magpaparaya ngayong araw.

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) —  Makabubuo ng magandang transaksyon sa trabaho o career dahil sa magandang sistema ng komunikasyon. Makaiisip ng paraan upang mapaamo ang nagtatampong minamahal.

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Magiging maligaya sa pakikisama at pakikihalubilo sa ilang kaaanak o kaibigan na matagal na hindi nakadadaupang-palad. Maiiwasang kapusin ang kinikita kung marunong magtipid.

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Dapat mapagtagumpayan ngayong araw ang pagiging bugnutin upang hindi madiskaril ang magandang proyekto o relasyon sa katrabaho. Makapagsasara ng magandang deal sa araw na ito.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Umaayon ang galaw ng mga bituin sa pagtatamo ng masaya at makabuluhang buhay pag-ibig. Ito ang tamang tiyempo para makabawi sa pagkukulang sa minamahal.

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) —  Maraming sakripisyo ang kailangang puhunanin sa pagtatamasa ng masagana at maayos na buhay. Huwag mawalan ng atensyon sa minamahal at ingatan tulad ng kayamanan.

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) —  Kung may problemang pinapasan, makaaagapay ang kamag-anak o matalik na kaibigan. Makapag-iisip ng magagandang diskarte ngayong araw.

 

 


  •  
  •  
  •