HOROSCOPE AUGUST 1, 2020

HOROSCOPE AUGUST 1, 2020

August 1, 2020 @ 7:00 AM 4 months ago

  •  
  •  
  •  

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Magkakamit ng maraming biyaya sa paghahanapbuhay kung magiging matuwid ang pamumuhay. Mapabubuti ang taglay na kalusugan kung iiwas sa bisyo.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Sa araw na ito, makaiiwas na magkaroon ng problema sa mga kasamahan sa trabaho. Malamang maatraso ang inaasahang tulong kaya kinakailangang gumawa ng sariling diskarte.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) —Maraming makukuhang pakinabang sa pagiging tapat sa ginagalawang industriya kahit pa napapaligiran ng kasamaan. Laging tandaan, ‘di kalugihan ang pagiging matuwid kahit na kailan.

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Matutugunan ang itinakdang deadline sa isang proyektong pangkabuhayan. Panahon na upang makuha ang buong tiwala ng mga kasamahan sa kinabibilangang sirkulo.

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) —Papaboran ng magagandang pagkakataon ang mga plano sa pagkakaroon ng extra income. Maghinay-hinay sa pagpapasya sa usaping pampuso.

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Magiging daan ang minamahal upang kilalanin ang mga kahinaan ng pagkatao. Ipagpasalamat sa Maykapal ang pagkakaroon ng maunawaing kapareha sa buhay.

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) —Dahil sa hindi inaasahang pangyayari, makikita ang kahalagahan ng pagpapayo ng mga magulang. Kailangan ang malaking tiwala sa sarili upang umasenso.

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Sa pakikipagtransaksyon, bukod sa pagpapakita ng katapatan ay kakailanganin din ang talas ng isipan. Makalalasap ngayon ng kaligayahan mula sa itinanim na kabutihan sa ibang tao.

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Pagsikapan na mapahusay ang relasyon sa mga taong nakahahalubilo araw-araw. Huwag mag-atubiling sundin ang dikta ng kutob.

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — May magandang kapalaran sa pinapangarap na marating na bansa. Kung magkakaroon ng tamang tiyempo ay may posibilidad na makapagnegosyo.

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Ngayon higit na magiging masaya at maaliwalas ang buong maghapon. Dahil sa pagiging maalalahanin ay lubos na kagigiliwan ng minamahal.

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) — Ang pagtutok ngayon sa paghahanapbuhay ang makalulutas sa problemang pinansyal. Dapat maging matatag ang kalooban upang maisagawa ang isang maselang pagpapasya.

 

 


  •  
  •  
  •  

Loading...