HOROSCOPE AUGUST 11, 2022

HOROSCOPE AUGUST 11, 2022

August 11, 2022 @ 7:00 AM 2 months ago


 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Sikapin mong gawin ang mga bagay nang tama. Sa gayun ay walang masabi ang iba tungkol sa iyo lalo na sa inyong opisina. Gawin mo ang lahat ng bagay na may katapatan, may nakakakita man o wala. Sa bandang huli, ikaw pararangalan sa harap ng maraming tao at magtatamo ng biyaya sa paningin ng iyong Panginoon sa laman o ng amo.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Maigi sa iyo ang mag-alaga ng pets. Pero, huwag mag-ampon ng sobrang dami. Hindi ito akma sa iyong tinitirhan. Makapagbibigay ito sa iyo ang saya at sigla. Mag-alaga ka ng aso o pusa na hindi hihigit sa 2 ang aso at 3 naman sa pusa. Magbibigay ito sa iyo ng suwerteng pinansyal, kalusugan at lovelife.

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Susuwetihin ka dahil sa iyong pagiging mabait, mapagpakumbaba’t pagiging matulungin. Ang langit na ang may gusto na gawin ito. Kasi, hindi ka nagmamaramot at bukas ang palad sa nangangailangan, maging tao man ito o hayop. Siksik-liglig na mabuting balita ang matatanggap mo sa buong buwang ito.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Walang bisa o talab sa iyo ang masamang aura o vibes ng ghost month. Kasi, napaghandaan mo na ito. May sapat kang ipon upang makatawid sa mga gastusin hanggang sa huling peryodo ng taon. Ito ang araw na kailangan mo ring mag-enjoy. Yayain ang mga kaibigan na manood ng movie at magluto-lutuan kayo. Mas marami mas maganda para ipapanood mo ka nila ang vlog mo sabay subscribe.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) —  Iwasan ang sobrang tawa ng tawa. Walang masama sa pagiging masayahin o pagiging cheerful. Pero, ang tumawa ng tumawa sa taong may pinaghuhugutan ay hindi maganda. Maliban na lang kung nakakatawa ang pinag-uusapan. Piliting mong gawing Biyernes Santo ang iyong pagmumukha. Sa gayun ay isipin niyang nakikisimpatiya ka. Puwesto, may libre kang grocery at meryenda.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) —  Walang masama kung mag-e-excursion kayo o magsu-swimming ng iyong barkada sa opisina ngayong araw. Matagal na ninyo itong binalak at ngayon ang pagkakaton para ituloy sa day-off n’yo. Isama n’yo na rin ang bossings n’yo para libre may mag-aambag para sa snacks at pang-gasolina sa inarkilang sasakyan. Matutuwa pa sila dahil instant teambuilding n’yo na ‘yan.

 

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Nakatatakot ang pahayag o panalangin ng iyong kaibigan na kasosyo sa raket na pagpalain ang kabuhayan. ‘E punerarya ang pinagkakakitaan nito. Pero, huwag matakot kasi kailangan ang blessings at ‘yan ang siklo ng pagpapala. Gayunman, madadagdagan ang pinagkakakitaan n’yo kung magtitinda kayo ng fishball na kakaiba ang siste. Gulay, isda at karne ang rekado na tinitinda noon ng lola mo. Tiyak na dudumugin kayo ng costumers.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Pagsabihan mo ang iyong kasuyo na huwag munang magbilang ng sisiw hangga’t ‘di pa napipisa ang itlog. Sa gayun ay hindi kayo mapahiyang dalawa. Kahit may katuparan na ang inyong transaksyon at nagkapera na kayo, huwag n’yo rin ipamalita. Kasi, marami ang magpapakilalang kamag-anakan n’yo. Pati ang mga kaibigan n’yo nu’n na hindi n’yo nakikita ay parang multong biglang lilitaw. Mabuhay kayo ng simple lang, pero rock!

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) —  Aminin mo man o hindi, nawawala ang hinanakit mo sa tao kapag nakahawak ka ng maraming pera. Totoo ito. Makakalimutan mo ang sama ng loob mo sa mga taong pinaghihinakitan mo. At kahit kaunti ang mga kaibigan mo, wala kang pakialam dahil may pera ka naman. Yan ang ipinagtataka nila, bakit pinagpapala ka. Anong magagawa nila ‘emas nalulugod sa iyo ang Diyos kaysa sa kanila.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Magdudulot ng magandang resulta ang iyong pagtitimpi. Lumalabas na mas sibilisado kang tao kaysa sa ibang mga kasamahan mo sa trabaho. Makikita ng iyong amo ang kaibahan mo kaysa sa kanila. Kaya, ibubukod ka niya upang ‘di mapasama sa mga barubal magtrabaho.Sa gayun ay sasaiyo ang panatag na isipan at pagpapala.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Kung saan ka nananatili ngayon, makabubuting dumuon ka muna habang wala pang katiyakan ang lahat ng bagay. Diyan ka inilagay ng nasa itaas kaya makatitiyak kang magiging masaya at payapa ang pamumuhay. Magagawa mo pa naman ang mga passion mo sa lugar na ‘yan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Ugaliing manalangin bago umalis. Kahit malayo man o malapit ang pupuntahan. Ang sakuna at aksidente ay dumarating sa pagkakataong hindi inaasahan. Kaya, panalangin ang mabisa mong sandata. Lalo na nga’t mahalaga ang araw na ito para sa iyong transaksyon at pagpasok ng grasya.