HOROSCOPE AUGUST 15, 2022

HOROSCOPE AUGUST 15, 2022

August 15, 2022 @ 7:00 AM 2 months ago


 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Huwag kang maniniwala sa sabi-sabi at sa mga paliwanag sa panaginip na walang kabuluhan. Hangal lang ang nagsasabing suwerte ang tae ‘e sa gisag itong mga bagay na walang kabuluhan. Sa makatuwid, huwagkang basta-basta tatango at sasang-ayon sa bawat payo. Sa gayun ay hindi ka matulad sa mga hangal nauto-uto.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Huwag kang masyadong malungkot sa ngayon sa iyong tunay na sitwasyon. In short, huwag overacting. Baka kasi dalawin ka talaga ng sobrang lungkot dahil sa problema. Ang mabuting balitang matatanggap sa araw na ito ay magbibigay sa iyo ng labis na galak.

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Kung gusto mong malaman ang ugali ng mga taong gustong mapalapit sa iyo at ng mga bagong kakilala, iadya mo sila sa bitag at pagsubok. Idaan mo sa pagkain, pera at paghingi ng pabor. Ang mga tatanggi sa mga alok mong iyan ang siyang may malinis na intensyon sa iyo. Dahil kagalakan ang habol nila kapag naging kaibigan kanila.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Dahil mabukaka naman ang kwelangtao, gamitin mo ang katangian mong ito upang magkapera at kumita. Kaysa sa umutang ka ng umutang sa mga kaibigan mo, kahit ‘di ka sinisingil. Hikayatin mo sila na mag-live selling kayo at ikaw ang magtitinda. Sila na ang mamuhunan. Magtitiwala naman sila sa iyo.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) —  Sunod-sunod na suwerte ang makakamit mo sa araw na ito hanggang sa katapusan ng buwan. Gagaling ka sa iyong sakit, lalapit sa iyo ang iyong mga kaanak at bibigyan ka ng pagkain at makakamit mo ang perang para sai yo. Kaya, huwag nang mag-alala dahil ligtas ka sa ghost month.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Sa ibang pagkakataon, pwede pa ring maibalik ang tiwala sa taong nasira ang pagtitiwala sa iyo dahil sa isang nagawang pagkakami. Ang kailangan mo lang ay magtiis, magtiyaga at maghintay upangpatawarin ka at muling kibuin ng taong nagawan mo ng kasalanan. Dahil may intensyon pa rin naman siya ng ikaw ay patawarin.

 

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Bago ka pumorma sa kanya, patunayan mo muna sa sarili mo na may ibubuga ka. Hindi puro yabang at porma. Lalo ka niyang hahangaan kung ikaw ay magpapakatalino, magpapakahusay at magsisipag sa pag-aaral. Tandaan mo na hindi lang ganda ang tinitingnan, kundi ang sense of humor at katalinuhan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Mapapasa iyo ang bagay na matagal mo ng gustong makuha. Matagal ka na ring naglalaway sa bagay na iyon at pinag-ipunan mo para mapasa iyo lang. Bukod d’yan, mapapasaiyo rin ang oportunidad na makuha ang isang deal na magdudulot ng paghanga sa iyong kaopisina.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Buksan mo ang iyong isipan at puso sa mga bagong bagay na hindi mo pa nasusubukan. Malay mo, dito ka maging patok. Kasi, ang mga bagay na hindimogaanong sineseryoso at prayoridad, iyon pa ang magbibigay ng suwerte sa iyo. Mainam ding mamasyal sa lugar na makapagbibigay sa iyo ng saya na malapit lang sa inyo.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Lahat naman ng tao ay nakararanas ng pagsubok. Sino ba ang hindi? Dapat mong malamanna hindi lahat ay kasayahan at kasaganahan sa mundong ito. Kailangan mo ring dumaan sa pait ng masamang panahon at pagkakataon. Gayunman, hindi ka naman pababayaan ng nasa itaas. Magtataka ka na lang na nakararaos ka sa araw-araw sa kabila na tila walang-wala ka na.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Huwag kang mainggit sa mga taong sumasaganang napakabilis. Hindi nila pinaghihirapan ang perang nagingkanila. Kundi, galing sa pandaraya. Subalit ikaw, pagpapalain ka nang walang halong kabalisahan. Hindi gaya ng kaibigan mong mayabang, mapera nga, hindi naman makatulog ng panatag sa gabi.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Kung ayaw ng beshy mo sa iyo, huwag mong ipilit. Maramot na damdamin ‘yan. Hayaanmo na siya, palayain mo na ang damdamin mo para sa kanya. Sa bandang huli, liligaya ka rin bago ang holiday season. Makikita at makikilala mo ang taong para sa iyo.