HOROSCOPE AUGUST 17, 2022

HOROSCOPE AUGUST 17, 2022

August 17, 2022 @ 7:00 AM 2 months ago


 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Utang na loob, mukha na nga siyang hindi tao, sasabihan mo pa siyang kamukha ni Quasimudo. Buti hindi kilalang kaibigan na pasimple mong minomolestiya ang karakter sa cartoon na ‘Hunchback of Notre dame’. Para hindi ka mabuking, hadlangan mo siyang huwag nangsumama sa isa nyong kaibigan na manood ng movie na may gayung pamagat.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Ang iyong pagiging matiisin at hindi para-reklamo sa bawat utos ng amo mo ay magbubungang-mabuti. Gagantimpalaan niya ang iyong kabutihan sa kanya. Tanda ito na isa kang mabuti at tapat na lingkod. Kaya sa iyong kaarawan, isang sorpresa ang matatanggap mo sakanya na iyong ikakasama, este ikatutuwa.

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Hindi arok ng ilan na kulang sa pinag-aralan ang iyong pananalitang malakas at mabalasik. Pero, soft spoken ka talaga at kaya ganun ay nilalakasan mo lang ang iyong boses. Isa pa, para kang lasing kung magsalita kaya ganun. Kaya, namimis-interpret ka nila lalo na ang mga hindi nakakakilala sa iyo. Pero, kapag nakilala ka nilang husto, pagpapala ang sa saiyo at sa kanila.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Kung may ipinatago sa iyo, huwag mong ilagay sa lugar na hindi makita, lalo na kapag kinuhanang may-ari. Na para bagang nagti-treasure hunting na kayo sa kakahanap. Gayunman, magiging masaya ang araw na ito dahil makatatanggap ka ng offer o proyekto. Tapos, bibigyan ka na agad ng perla estepera.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) —  Kapag nakakakita ka na may tinutukso at iniinsulto ang pagmumukha bilang katuwaan, huwag kang tatawa kahit totoo iyon. Alalahanin mong extra size kang tao kaya ingat. Kapag naka-encounter ka ng gayun, sabihan mo na lang sila na:” Kahit na, ako busog sa pagkain, e kayo, walang makain!” Baka ikaw na ang susunod na mag-viral kapag nakuhanan ka ng video.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Lagi kang nililibre ng mayamang kaibigan n’yo. Hindi mo na kasalanan iyon kasi ikaw ang gusto niyang ilibre. Lalo na ngayong araw, tatlong beses ka nitong ililibre sa kainan at pasyalan. Pero, huwag kang mahihiya kapag ganun. Dahil wala ka naman talagang hiya, este… dapat ikahiya dahil pinatunayan mo noon na isa kang tapat na kaibigan sa oras ng kagipitan. Iniligtas mo ang buhay niya. Ngayon…bakit sila magtataka?

 

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Isang bata ang magiging bahagi ng buhay mo at maghahatid sa iyo ng malas at suwerte ngayong araw. Mawawala ang batang ito at sasama sa iyo habang nasa mall ka habang hinahanap mo kung sino ang kasama niya o magulang niya. Magpapalibre ito sa iyo ng food na ililibre mo naman na aabot sa isanlibo. Pero, huwag kang mag-alala, makapupulot ka ng sampung libo sa banyo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Marami ang natutuwa sa inyong magkaibigan. Ikaw ay kayumanggi na gustong magpaputi at siya naman ay maputi na gustong maging kulay kayumanggi. Suwerte ka talaga sa inyong dalawa. Kasi, ang advise mo lang sa kanya para maging kayumanggi ang balat at magbabad lang sa araw sa umaga. Pero, ikaw, bumibili pa ng sabon na may gluta na ang pera ay galing sa kanya.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Kung wala kang pera o puhunan, makabubuting tumanggi sa kaibigan mo na nag-aalok sa iyo na sumali sa networking. O kaya ngisang business na napakalaking puhunan. Buti sana kung limang daan lang, ‘e limang daan-libo raw ang dapat mong ilabas. Hindi niya naman ito ikasasama ng loob. Kung mapilit siya, siya kako ang magpaluwal at baka makalusot ka.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Mukha kang Latina, pero nagpi-feeling Koreana ka. Kaya, nangungunsimisyon sa iyo ang ermat mo dahil sa kahihingi mo ng pambiling kolorete sa mukha para maging kamukha mo si Bae Hoo Tae, a, basta ewan. Pero, pwede mo naman ‘yang pagkakitaan. May kukuha sa iyong model. Kaya, magbubunga nang positibo ang effort mo.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Kung ayaw mong mapahiya’t mapasubo, magpakatotoo ka ngayong araw sa kliyente mo. May lahi itong Hapon kaya medyo sanay itong gumamit ng chopsticks. Kubyertos na lang ang gamitin mo kaysa rito. Baka kasi tumalsik ang pagkain sa pinggan ng kostumer sa kabilang table sa oras na nag-dine–in kayo para pag-usapan ang business transaction.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Sinasabi nila na hindi mo pa oras para sumali sa pageant. Pero hinog ka na. Huwag kang maniniwala basta-basta. Sundin mo ang nasa puso mo dahil tiyak na aalagwa ka. Ikaw pwede dahil babae ka kaysa sa kaibigan mo na becks kaya ‘di talaga siya pwede sa beauty pageant ng mga tunay na kakabaihan.