HOROSCOPE AUGUST 2, 2022

HOROSCOPE AUGUST 2, 2022

August 2, 2022 @ 7:00 AM 2 weeks ago


 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Huwag mo nang balikan o asahan ang wala na sa iyo. ‘Yung mga paasa. ‘Yung mga taong ipo-fall ka lang, tapos iiwanan ka sa ere. Magtrabaho ka na lang ng maayos o kaya mag-aral ng mabuti. Kapag maayos na ang katayuan mo sa buhay, kusa nang lalapit ang mga paasa. Kasi may wheels ka na at pera.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Magkakapera ka sa darating na mga araw. ‘Yan ay kung patuloy mong kukulitin ang kliyente mo na i-close ang deal. Sa gayun ay isa na rin ito sa may prangkisa ng inyong kompanya. Mapapayag mo siya hindi dahil sa kakulitan mo. Kundi, sa iyong pagtitiyaga at pagtitiwala sa kanya. Kaya, sure ang komisyon mo at pakunsuwelo.

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Tandaan mo ang araw na walang-wala ka at ang mga taong hindi nag-abot ng kamay o tulong kayang-kaya nilang gawin iyon. Hindi nila alam ang patakaran pagdating sa pagbibigay ng suweldo na hindi na dapat ipinagpapabukas pa. Kapag inalok ka ng iba na maglingkod sa kanilang kompanya, tanggapin mo at iwanan ang ngayon na hindi batid ang paggawa ng mabuti.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Mahirap sa isang tao lalo na ang may pinag-aralan na tumanggap ng pagkatalo o pagkakamali. Ganyan ang iyong amo. Mali na nga, pinipilit na tama pa. Pagbigyan mo ang kanyang mga desisyon at sa bandang huli, malalaman niyang palpak ang mga iyon. Magkagayunman, gagantimpalaan niya ang iyong pagbabara sa kanya tanda ng pagmamalasakit sa kompanya.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) —  Makabubuting magrelaks ka ngayong araw at makipagkwentuhan sa iyong mga kaanak at kaibigan. Sa gayun ay sumigla ang iyong katawan. Pagplanuhin n’yo rin ang tungkol sa itatayong negosyo. Mabuti na ‘yung kayo ang makakasosyo kaysa ibang tao.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Ang pagiging bugnutin o mainitin ang ulo ay naglalagay sa tao sa kamangmangan. Kaya, ito ang rason kung bakit medyo nilalayuan ka ng ibang tao ngayon. Kontrolin ang galit at piliting maging mahinahon sa kilos at pananalita. Ito ang katangiang dapat taglayin ng isang lider.

 

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Huwag kang gumaya sa iba na nakikipagpaligsahan sa paramihan ng ari-arian. ‘Yung tipong may bagong kagamitan sa bahay linggo-linggo. Ganyan ang siste ng ibang kapitbahay ninyo para inggitin kayo. Pero ang totoo, baon naman sa utang. Sila rin ang mapapahiya sa huli. Ipunin mo ang biyayang kaloob sa iyo at ‘di ka kukulangin. Bilhin lamang ang bagay na kailangan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Kung nahihirapan ka na sa piling ng iyong nililigawan, aba’y itigil mo na. Hindi pa man din kayo’y parang misis mo na kung umasta. Pabili ng pabili, binibilhan mo naman. Pero, ‘di niya alam, wala ka na minsang pamasahe at naglalakad na lang pauwi. Ginawa ka niyang charity. Kaya, sa susunod mong suweldo, itigil mo na. Hindi ka makakaipon sa ganyang tao. Maghanap ka na lang ng iba.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) —  Nadala ka na noon sa kanyang pambobola. Mga apat na beses na. Kung kailan naman siya naging seryoso sa iyo, saka naman nawalan ng gana. Kaya, overtime siya ngayon sa panunuyo sa iyo. Kahit nakikita mo siyang nahihirapan, tiisin mo para malaman mo kung talagang loves ka niyang talaga o hindi.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Mabuting ipagpaliban mo muna ang lakad sa ibang lugar o out-of-town ngayong araw. Hindi maganda kasi ang ibubunga nito. Baka hindi sumipot ang kliyente mo. Ilaan ang araw at oras sa pamilya’t kaibigan. Maghanda ka magpaluto ng pagkain. Sa pagkakataong iyon, makadarama ka ng labis na kasiyahan.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Maging maingat sa pagsasalita ng malalalim na kataga sa ibang tao, lalo na ang hindi mo pa ka-close. Baka isipin nila, may toyo ka. Hindi aplikable sa kanila ang matatalinhagang salita dahil makitid ang kanilang pang-unawa. Hindi na uso ngayong gamitin ito sa panliligaw, lalo na sa nililiyag mo. Gamitin na lamang ito sa akmang sitwasyon at pagkakataon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Mag-ingat sa nakakatransaksyon online. Baka mabiktima ka ng scammer. Hindi masamang magtiwala agad, pero alalay lang. Huwag mo agad ibigay ng buo. Gayunman, itong kausap mo na bago ay makapagkakatiwalaan. Dahil nararamdamam niya naman na matino kang tao. Kaya, magiging maayos ang inyong transaksyon.