HOROSCOPE AUGUST 22, 2022

HOROSCOPE AUGUST 22, 2022

August 22, 2022 @ 7:00 AM 1 month ago


 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)Β β€” Bago ka tuluyang mahumaling sa crush mo, sus, alamin mo muna kung sino siya o ang disposisyon niya sa buhay. Baka pambiling brief wala siya. Huwag kang masilaw sa kapogian niya. Maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi pa kayo pwede sa ngayon. Ibaling mo na lang ang atensyon mo sa business mo at lalago pa iyon.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)Β β€” Sapat na ang naipon mo bilang isang seaman. Kaya, huwag ka nang sumampa pa paakyat ng barko. Baka mangulila sa iyo ang iniirog mo. Sundin mo ang kanyang pakiusap. Lalago at susuwertihin ka kung magtatayo kang negosyo na may kaugnayan sa likido o water refilling station.

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) β€” Lagi kang positibo at masayahin kahit na kasasag upak ang mga problema. Kaya magiging maamo ang suwerte sa iyo. Sa hindi inaasahan, biglang magbo-boom ang vlog n’yo at mapapansin ng isang sikat na personalidad ang panggagaya mo sa kanya. Matutuwa siya sa iyo kaya bibigyan ka niya ng regalo.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) β€” Ikaw ang nang-aasar, pero ikaw ang tila napipikon kapag dedma lang ang iyong pang-aasar sa taong iyong inaasar. Kaya, baguhin mo ang ugali mong ito upang ikaw ay suwertihin. Kung lalawakan mo ang iyong pang-unawa, maraming tao ang matutuwa sa iyo.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) β€”Β  Malaki ang magiging pakinabang mo sa pagiging resourceful at pagi-ging malikhain. Mula sa mga patapon o sa tingin ng iba na wala nang halaga ng bagay, makagagawa ka naman ng bagong bagay rito. Marami ang mamamangha sa iyong work at craft of art, kaya tatangkilikin nila ang iyong produkto.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) β€” Ang magiging susi sa iyong pag-asenso ay nasa paligid mo lang. Na ang inaakala mong simple o wala ay siya pang magbibigay sa iyo ng biyaya. May money tree sa bahay n’yo, mahalaga ang buto nito dahil ipinagbibili o mismong halaman. Marami ring bungang kahoy na pwede mong ipagbili.

 

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) β€” Bawat salita mo ay makapangyarihan sa bawat nasasakupan mo. Kaya, maging huwaran ka dahil sa pamamagitan nito, makukuha mo ang kanilang respeto. Ilang magagandang balita rin ang matatangap dahil sa iyong tapat na serbisyo at pagiging masipag sa tungkulin.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) β€” Mahirap sa una, pero madali na lang sa bandang huli. Ganyan ang mangyayari sa isang gawain na kapag pinag-aralan mo ang sistemang paggawa, magiging madali na sa iyong gawin ito at tapusin ng walang gaanong hasel. Gamitin mo ang iyong taglay na kasanayan upang pagkakitaan.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) β€” Kung makulimlim ang araw na ito, kung malasang tingin ng iba rito, suwerte ka naman. Kuwan kasi, uulan at makikita kang crush mo na mababasang ulan. Yayayain ka niyang sumukob sa payong at sabay kayo pupunta sa isang food chain. Nakisukob ka na, ililibre ka pa.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) β€” Ikaw ‘yung taong puro utang pero hindi nagbabayad dahil wala pang datung. Huwag kang mag-alala. Natutuwa naman kasi ang mga kaibigan mo sa iyo. Napapasaya mo sila. Nababayaran mo ang iyong serbisyo at ibang pabor ang utang mo. Mas matimbang pa rin ang utang na loob kaysa sa utang na pera.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) β€” Masyado kang nawiwili sa kanya, besh. Kapag nakikita mo siya, buo ang araw mo. Kapag hindi naman nakita sa araw, tambay ka sa kanila sa gabi. Pero, ‘di ka naman niya pansin. Don’t worry, mapapansin ka rin niya. ‘Yan ang katakutan niya ang ma-develop siya sa iyo ng wala sa oras.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)Β β€” Hindi masamang tumulong, pero may limitasyon. Sabihan mo ang kaibigan mo na kung gusto niyang magkapera, magtrabaho siya. Para hindi siya masaktan sa sasabihin mo, isama mo na lang siya sa raket mo. Dahil ang kalahati sa kikitain niya ay ibibigay niya sa iyo dahil pambayad sa kabutihan mo sa kanya.