HOROSCOPE AUGUST 29, 2022

HOROSCOPE AUGUST 29, 2022

August 29, 2022 @ 7:00 AM 1 month ago


 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Makabubuti ang pagpapahalaga sa damdamin ng ibang tao. Sa gayun ay pahalagahan din nila ang damdamin mo at matutulungan ka sa iyong itinatagong problema. Sa aspektong pananalapi, hindi ka kakapusin dahil may magbibigay nito sa iyo.

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Makuntento ka sa anong bagay na mayroon ka ngayon. Anoman ang kulang sa iyo, huwag kang mabalisa dahil pupunan yan ng langit. Darating ang biyayang kinakailangan mo sa takdang panahon dahil ito ang makabubuti. Sa gayun, mapahiya ang iba na nagsasabing walang-wala ka na at mas mahirap pa sa daga.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) —  Hindi masamang tumulong sa iba. Ngunit, unahin muna ang sariling interes bago ang iba. Matutong magtipid dahil hindi sasapat ang naipon ngayon para sa nakaambang gastusin. Gayunman, ang pagtugon sa ilang bayarin ay makapagbibigay naman sa iyo ng gaan ng kalooban dahil wala ka nang iintindihin.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) —  Walang mawawala kung aaminin mo ang kasalanang nagawa. Dito masusukat ang tunay na ikaw at mapagpapaumanhinan ka pa. Bigyan din ng puwang ang tawag ng pag-ibig. Dahil ito ang kulang at tiyak na makapagpapasaya sa iyo.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Maliit ang tsansa na matupad ang minimithing promosyon dahil hindi sa nagkulang ka sa gawa o hindi ka karapat-dapat. Hindi pa napapanahon dahil sa takbo ng sitwasyon. Ilalaan ka ng nasa itaas sa mas mataas pa dahil hinog ka na pagdating ng sandaling iyon.

 

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Magiging maganda ang pasok ng linggo dahil may makikilala kang isang negosyante, na tutulong sa iyo upang magkaroon ng sapat o malaking pagkakakitaan. Magkakaroon ka rin ng bagong kasintahan dahil matiyaga mo siyang sinusuyo ng buong sikap at katapatan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Lalong palawakin ang pag-iisip kung paano ang gagawin para pakisamahan ang iyong mga ka-opisina. Magiging abala ka rin sa susunod na linggo, pero masaya ka naman sa iyong gagawin. Mainam din ang pakikisalamuha sa mga kaibigan at kumain kayo sa labas para bigyan ng reward ang sarili.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Isang kaibigan ang tutulong upang malutas ang problemang kinakaharap at kinasangkutan. Ayusin din ang iyong trabaho upang makaakit ng mga bagong kliyente. Huwag ring ipagwalang bahala ang pakiusap ng isang taong humihingi ng pabor sa iyo.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) —  Huwag laging pairalin ang init ng ulo baka ito ang maging dahilan para mawalan ka ng mga kliyente. Mananatili ang magandang samahan ninyo ng kasuyo. Huwag ka ring mag-aalinlangan kung mayroon kang kakayahang ipapakita.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Huwag mong ipagpaliban ang trabahong naumpisahan mo na. Dito kasi makikita ang dedikasyon mo sa trabaho, malaki rin ang tsansa na matupad ang minimithing promosyon. May isa ring makabuluhang paglalakbay na gagawin sa susunod na mga araw.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Magiging maganda ang pasok ng linggo. May hindi inaasahang panauhing darating na maghahatid ng balita na ikatutuwa ng labis. Maging mapagbigay sa kapwa dahil sila rin ang tutulong sa iyo kapag ikaw naman ang mangangailangan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Malaki ang tsansa na makagawa ng paraan para makatulong sa pamilya mo. Basta, ipa-malas mo lang ang diskarte at tikas sa paggawa. Huwag ding mag-aalinlangan na tanggapin ang inaalok na trabaho ng dati mong kaibigan. Isa ring bagong kakilala ang magtatapat sa iyo ng pag-ibig.