HOROSCOPE AUGUST 30, 2022

HOROSCOPE AUGUST 30, 2022

August 30, 2022 @ 7:00 AM 1 month ago


 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Malaki ang tsansa na sagutin kang nililigawan mo. Hindi dahil sa na-promote ka sa trabaho at nagtagumpay ang deal ko sa isang big time na kliyente. Kundi, nagkataon lang lahat na matapat ang nakatakda niyang pagsagot sa iyo sa gayung pagkakataon. Mahal kanila, este niyang bukal sa puso. Kaya, labis ang kaligayahang iyong madarama.

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Ililigtas ka ng Diyos sa mga pagsubok ngayon at sa mga susunod pang mga araw. Basta, huwag ka lamang mawalan ng pagtitiwala sa Kanya. Bahagi ng buhay ang ups and downs at hindi kalugihan o kalabisan ang paghingi ng tulong sa Kanya at sa mga taong kakasangkapanin niya upang ikaw ay makaraos sa araw-araw. Magugulat ka na lang, nasa itaas kana at mapera na.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) —  Kung tutulong ka at may nakakakita, huwag mo nang ipagsabi na ikaw ang gumawa nu’n. Mainam na manahimik na lang. Sapagkat ang mga nakasaksi ang magsasabi at mag-aangat ng iyong bangko. Ito’y tanda ng kababaang-loob at matutuwa pa ang mga tao sa iyo.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) —  Napapansin ng langit na malungkot ka at matamlay kapag walang pera. Kaya, gagawa siya ng hakbang upang bigyan ka ng pera. Sa gayun ay may magamit ka at ang pamilya mo sa araw-araw at makatulong din sa mga nangangailangan sa iyo, lalo na ang naglalabang mga damit ninyo na umaasa rin sa ibibigay mo sa kanya.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Nahihirapan ka sa mga gawain sa opisina nyo dahil inaako mo lahat. Hindi dahil sa nagkukusa ka o gusto mo ang gayun ang gawain. Kundi, upang palabasin na mas angat ka, mas may kakayahan at mas marunong kaysa sa kanila. Maging bukas ka sa kanila at matutong ibaba ang pride. Kailangan mo ng tulongn ila. Alam naman ng boss mo ang kalidad ko at isa ka namang tiyak sa mapo-promote sa trabaho.

 

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Hindi maganda kung patuloy ka pang makikisama sa mga taong mahirap pakibagayan. Magugulo lang ang sistema mo. Umiwas ka sa mga kaibigan mong alam mong molestiyador, ‘yung puro sila na lang ang kamig. Mapanlamang ang gayun. Hindi naman big deal sa kanila kung gagawin mo iyon. May ibang taong may etikita ang dapat mong pakibagayan at gusto rin nilang makisama sa iyo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Walang lihim na hindi nabubunyag at may mga lihim din namang dinadala hanggang sa libingan. Tungkol sa iyong nalalaman, huwag mo nang sabihin ang pinakaingat-ingatang lihim ng pinakamatalik mong kaibigan. Maliban na lang kung may basbas siya na sabihin mo iyon sa takdang panahon. Kahit natutukso ka sa sitwasyon, huwag kang magkakamaling magsalita dahil pati ikaw ay madadamay.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Mararamdaman mo sa araw na ito ang minimithi kong pagbabago sa iyong asawa. Magtutuloy-tuloy na ito. Ipakita mo sa kanya na sa pangalawang pagkakataon, buo pa rin ang iyong tiwala at may pagmamahal ka pa rin sa kanya. Magdudulot ito ng positibong pagbabago sa inyong tahanan at pinagkakakitaan.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) —  Hindi ka magtatagumpay sa pagbi-business kung papasukin mo ang pag-a-RTW. Mas mainam na magtayo na lang ng maliit na karinderya dahil gusto ng taong pagkain. Tutal, masarap kang magluto, tiyak na dadayuhin ang itatayo mong kainan. Gawin mo na ito sa lalong madaling panahon dahil may puhunan ka naman.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Labis na ikatutuwa ang pagbabago ng magaganap sa sistema sa pinapasukang kompanya. Papabor sa iyo ang pagkakataon para maipamalas at maipakita ang mga bago mong ideya at sistema. Iwasan mo muna ang labis na pagpupuyat kahit nakapagbibigay sa iyo ng aliw ang bagong natuklasang libangan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Ang hinihintay mo na tulong mula sa abroad paparating na kaya chill ka lang at huwag masyadong mabalisa. Hindi magtatagal, makaalis na rin ang isa mo pang kamag-anak kasama mo upang doon din magtrabaho. Matutuo ring maghintay ng biyaya at kung dumating ito, iwasan ang labis na paggastos.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Sa wakas, mawawala na ang hinanakit sa iyong hipag dahil nakikita niya na ang pagtulong mo sa kanila ay totoo at bukal sa kalooban. Magiging maganda na ang inyong samahan dahil sa iyong kabutihang loob. Mapagtatanto niya na ang pagdamay mo ay walang bahid ng pagmamalaki o nang-uuri sa kanya na parang ipinapakita’t ipinapadama mo na wala silang kwenta.