HOROSCOPE AUGUST 4, 2020

HOROSCOPE AUGUST 4, 2020

August 4, 2020 @ 7:00 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Napapanahon ang pag-uukol ng pansin sa kasalukuyang kalagayan sa kompanyang pinaglilingkuran. Dapat munang unahin ang mga pananagutan sa trabaho o negosyo bago ang personal na aktibidad.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Huwag patulan ang sumpong o init ng ulo ng minamahal bagkus ay lambingin ito. Walang magandang mapapala kung magpapadalos-dalos ng pasya sa mga suliranin.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) —Ngayon mapakikinabangan ang malawak na karanasan sa maraming aspeto ng buhay. Dapat maging matalas ang pakiramdam sa pakikipagkapwa-tao dahil mataas ang tsansa na makadaupang-palad ang taong mapagsamantala.

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Magkakaroon ng pagkakataon na makasama sa lakad ng barkada o kaibigan na hindi gagastos ng malaki. Huwag abusuhin ang kalusugan nang makabawi ng utang na loob sa pamilya at kaibigan.

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) —Malaki ang potensyal na maging kabuhayan o pagkakakitaan ang taglay na talento sa tulong ng bagong kakilala. Mag-aalab ang damdamin sa ngalan ng pag-ibig dahil magiging malambing ang kasuyo.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Dahil sa lakas ng loob, may potensyal na umasenso sa trabaho o mapaunlad ang kabuhayan. Ang mga gawain sa araw na ito ay matatapos sa oras dahil sa taglay na mataas na enerhiya.

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) —Makatutulong ng malaki ang gabay at patnubay ng minamahal. Mapapanatag ang kalooban sa magiging resulta ng ideya o plano na may kinalaman sa trabaho dahil sa mainit na suporta na matatanggap.

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Sa larangan ng pag-ibig, papabor ngayon ang mga pagkakataon upang matupad ang hinihinging pabor ng minamahal. Sa impluwensya ng mga kaibigan ay makikita ang ugat ng kinakaharap na problema sa trabaho.

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Ngayon matutuklasan ang tamang direksyon sa pagkakaroon ng maayos na kita. Huwag unahin ang hiya o pride upang hindi masayang ang magagandang oportunidad na dumarating.

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Ang sipag at tiyaga na nilakipan ng matuwid na isipan ay magbubunga ng biyaya na ikaliligaya. Sa araw na ito maipadarama ang tunay na kahulugan ng pag-ibig sa kasuyo o minamahal.

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Mas maraming biyaya ang matatamo kung mapapasama sa mga taong matatagumpay sa buhay. May nakalaang matamis na gantimpala ang kakayahan sa kina-career na hanapbuhay.

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) — Maisasakatuparan ang iba pang pangarap kung hindi mananaig ang kayabangan. Isang malaking proyektong pangkabuhayan ang matatapos na magiging tatak ng iyong husay at talino.

 

 


  •  
  •  
  •  

Loading...