HOROSCOPE AUGUST 5, 2020

HOROSCOPE AUGUST 5, 2020

August 5, 2020 @ 7:00 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Mapahuhusay ang daloy ng pera kung mapananatili ang mataas na kalidad ng trabaho. Malaki ang magagawa ng taglay na sipag at tiyaga upang makarating sa pinakahahangad na tagumpay.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Mahalagang mabigyan ng kaukulang pakikisama ang lahat ng uri ng tao sa ginagalawang sirkulo. Iwasan muna ang pakikipagbiruan sa mga kakilala o kaibigan.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) —Umaayon ang pagkakataon upang makapagbigay ng mabuting payo sa isang katrabaho. Sa mga walang asawa may posibilidad na makatagpo ngayon ng mabuting kapalaran sa pag-ibig.

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Ang pagtataglay ng malinis na kalooban at positibong kaisipan ay magiging daan sa pagkakaroon ng mabubuting kaibigan. Hindi mabibiktima ng ilang tao na mapagsamantala.

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) —Hindi angkop ang iniisip na paglilibang dahil nagsisimula nang umasenso sa trabaho. Magagandang palatandaan ang makakamit ngayon patungkol sa pag-ibig.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Gawin ang lahat ng makakaya upang matupad ang mga pangarap na malapit sa katotohanan. Sa pag-ibig, madarama ang tunay na kahulugan ng pagmamahal.

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) —Iwasan ang anomang uri ng bisyo gaya ng alak at sugal upang hindi malihis ng landas. Gawing modelo ng kabutihan ang sarili upang dumaloy ang biyaya sa loob ng tahanan.

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Maaaring makapaglakbay sa malalayong lugar dahil sa magiging klase ng trabaho. Masosorpresa sa araw na ito sa biglaang pakikipagkita ng isang kaibigan.

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Mapatutunayan sa sarili na higit na mahalaga ang katangian ng pagkatao kaysa makinang na ginto. Sa usapin ng pag-ibig, mas dapat sundin ang tibok ng puso.

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Tamang pahalagahan ang kapakanan ng sarili pero dapat isaalang-alang din ang interes ng mga kasamahan. Kung positibo lagi ang mga hakbang, tiyak na uunlad.

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Matatanggap ang gantimpala sa walang sawang pagtulong sa kapwa. Mapalad sa pagkakaroon ng pamilya na nasa maayos na kalagayan at may malinis na pamumuhay.

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) — Ang kakayahan sa trabaho ay maipakikita sa kapaki-pakinabang na mga ideya. Nasa sariling diskarte ang katuparan ng magagandang pangarap sa buhay.

 

 


  •  
  •  
  •  

Loading...