HOROSCOPE AUGUST 5, 2022

HOROSCOPE AUGUST 5, 2022

August 5, 2022 @ 7:00 AM 1 week ago


 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  May matatanggap na isang sorpresang package mula sa isang kababata na nagtratrabaho sa ibang bansa. Mga regalo niya iyon sa iyo dahil sa pagpapakopya mo noon sa kanya. Huwag mo lang itatapon ang isang pilas ng papel dahil nandu’n ang guide kung ano ang mga laman nu’n.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Kaunti na lang at maabot mo na ang iyong inaasam. Kaya, magtiyaga pang maghintay kasi ngayong buwan mangyayari ‘yan. Makabubuting sumama ka rin sa outing sa opis n’yo para makapagrelaks. Sagot naman ng boss mo ang pagkain at sasakyan.

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Labis kang malulungkot pero sasaya rin agad. Kasi, magsisimula pa lang ang panibagong kabanata ng iyong buhay. Sa lugar na iyong pupuntahan, mas uunlad ka ru’n at magtatagumpay. Sa gayun ay makababalik ka sa mga kaibigan mo na hindi ka mahihiya dahil big time ka na nu’n.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Maganda nga siya, pero parang may saltik naman. Pero, siya ang nakatadhana sa iyo kaya sori ka. Kulang na lang pikutin ka niya. ‘Di bale, maganda naman siya, seksi at may kotse. May lupa sa pprobinsya nila at may bahay. Saan ka pa? Magiging buhay hari ka sa piling niya.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) —  Kung sino pa ang malapit sa iyo, ‘yun pa ang hindi sumusuporta sa pangarap mo. Huwag kang panghihinaan ng loob. Natural lang iyon para lalo kang magsikap. Gawin mong inspirasyon ang pang-aalaska nila para maabot mo ang pangarap mo. Malay mo, makapasok kang talaga sa Hollywood.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Malayo man, malapit din kayo sa isa’t isa dahil sa spirit of love. Ipadama mo sa kanya na kahit marami ang nagpaparamdam sa iyo, siya lang talaga. Magbubunga ng mabuti ang pagiging tapat at totoong tao mo dahil magkakaroon ka ng mabuting kabiyak.

 

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Bago ka sumabak sa audition ng artista search, kilatisin mo muna ang pagmumukha mo. Kung pwede ba ‘yan o hindi. ‘Di bale, may hitsura ka naman kaya may posibilidad na maging artista ka. Ang sense of humor mo ang mag- dadala sa iyo para makapasok sa showbiz.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Huwag mong isiping kalugihan ang nangyayari sa iyo ngayon. Marunong ka lang talagang magsakripisyo para sa iba. Ang kalugihang iyan ay magiging gantimpala sa iyo. Dahil kung ikaw ay nagbibigay, may ibang magbibigay sa iyo ng materyal na bagay lalo na ang nasa itaas. Mamamalayan mo na lang na dumarating na pala sa iyo ito nang hindi inaasahan.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Huwag mo nang balakin pang tumaya sa isang sugal ng buhay. Wala kang mapapala r’yan dahil ‘di ka sigurado sa investment. Mag-invest ka sa roon sa may kasanayan ka dahil mapapatakbo mo ng maayos ang negosyo. Apat na tao ang makikipag-partner sa iyo sa business mong patuka o feeds, saka pagkain ng pusa’t aso.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Kahit idadamay ka pa nila sa kalokohan nila, hindi ka madadamay. Kasi, alam ng boss mo ang pagkatao mo. Na hindi malikot ang iyong kamay. Ipo-promote ka pa niya sa posisyon. Iwasan mo lang ang pagiging malikot ang mata mo.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Ngayon na ang panahon upang ipadama mo sa kanya ang tunay na pagmamahal. ‘Yan ay kahit wala ka namang nararamdaman talaga sa kanya. Bihira ang tulad niya na may wagas na pag-ibig sa iyo. Huwag mong hintaying magsawa siya sa iyo. May nakalaan na siyang bahay at lupa kapag pumayag kang magsabi ng ‘yes’.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Hatid sundo mo na nga siya, ‘e wala epek pa rin. Kung nagsasawa ka na sa kanya, bitawan mo na siya. Tutal, marami naman ang nag-aabang na gawin mo iyon sa iba. Bukod du’n, sila pa ang manlilibre sa iyo ng pagkain at pamasahe. So, what are you waiting for? Do it na. Tutal, maarte naman ang talagang tipo mo.