HOROSCOPE AUGUST 6, 2020

HOROSCOPE AUGUST 6, 2020

August 6, 2020 @ 7:00 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Umaayon ang galaw ng mga bituin upang matupad ang binabalak na pagtatayo ng negosyo o pagsasarili sa paghahanapbuhay. Magandang bunga ang mapapala sa matapat na pakikisama sa mga kaibigan.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Ang katigasan ng ulo at pagiging mapagsariling kalooban ay maaaring magbunga ng kabiguan kung hindi makikinig sa payo ng minamahal. Ang panahon ay hindi pabor sa binabalak na pangingibang-bansa.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) —Magtataglay ngayon ng malakas na karismang mapanghikayat kaya madaling makukuha ang kalooban ng mga katransaksyon sa trabaho. Walang ibang magiging suliranin maliban sa pansariling gastusin.

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Ang mga plano na nauukol sa proyektong pangkabuhayan ay magaang maisasakatuparan. Hindi umaayon ang galaw ng mga bituin sa pagpapautang sa kapwa, lalo’t sa anyong patubuan.

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) —Ngayon ang tamang panahon sa pagtitipid at pagpapalago ng kabuhayan. Dapat isama sa mga prayoridad ang pagpapahalaga at pangangalaga sa pansariling kalusugan at maging para sa mga kapamilya.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Sa mga walang asawa, sa araw na ito ay magkakaroon ng isang katangi-tanging karanasan sa pag-ibig. Sa mga may-asawa, ngayon matutupad ang isang bagay na matagal nang naipangako sa minamahal.

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) —Maginhawang maitatawid ang araw-araw na pamumuhay dahil sa taglay na kasipagan. Kung magbubukas-palad, maaari pang makatulong sa isang kamag-anak na nasa gipit na kalagayan.

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Magiging kasiya-siya ang araw na ito sa pakikisalamuha sa mga kasamahan sa hanapbuhay o negosyo. Posibleng makita ang hinahanap na mamahalin sa sirkulo ng mga kaibigan.

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — May magandang sorpresang matatanggap ngayon sa pinapasukang trabaho. Magiging masaya ang pagdalo sa sosyalan pero kinakailangang iwasan ang mga taong maiinggitin at may makakating dila.

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Pagtiyagaan ang kasalukuyang hanapbuhay dahil darating ang araw na may matutuhang sideline. Iwasan ang gimik ang magkasya ang kinikita.

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Isang hindi inaasahang panauhin ang maaaring maging dahilan ng pagiging abala sa buong maghapon. Sa romansa, mananatiling matatag at masigla ang relasyon sa minamahal kahit nagkukulang ng panahon.

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) — Ang kasiglahan ng damdamin at isipan sa araw na ito ay senyales sa pagkakaroon ng magandang kapalaran sa paghahanapbuhay. Madali ngayong makahahanap ng magandang paraan upang malagpasan ang krisis sa pananalapi.

 

 


  •  
  •  
  •  

Loading...