HOROSCOPE DECEMBER 1, 2021

HOROSCOPE DECEMBER 1, 2021

December 1, 2021 @ 7:00 AM 2 months ago


SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Ang sobrang pag-iisip ay nakapagdudulot minsan ng stress. Iwanan muna ang problema kapag ‘di pa naman dumarating si Judith. mag-focus sa solusyon at maging masaya sa iyong ginagawa. mapapansin mong may mga kasagutan palang lahat ng iyong suliranin.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Huwag mong pigilan ang iyong damdamin. Kailangang mong ibulalas iyan sa isang mapagkakatiwalang kaibigan. Sa gayun ay mas gagaan ang iyong pakiramdam.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Hindi ka man makababayad ng utang na loob ngayon, asahan mong matutupad mo ‘yan. May isang salita ka naman at tahimik, pero gumagawa. Kaya ka pinagkatiwalaan ng iyong kaibigan. Iyon ang katangiang nagustuhan sa iyo ng mayaman mong kaibigan. Kayamanan o rare to find ang turing n’ya sa iyo.

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Walang ibang tutulong sa iyo kundi ang isang kaibigang tumulong din sa iyo noong panahong walang-wala ka. Pero, kapag nasa itaas ka, nakakalimutan mo siya. Pero, ‘di siya nagtatanim ng sama ng loob. Lumapit ka sa kanya at ‘di ka mabibigo.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — May gusto ka sa kanya. Pero, nahihiya kang ipagtapat. Walang mangyayari kung papatay-patay ang feelings mo. Alangan namang girl pa ang manligaw sa iyo. magiging masaya kayo kapag naging kayo.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Naiinis ka sa ibang pagkakataon dahil sa ugali mong medyo wirdo. bakit mo kasi iniintindi ang porma at gawi ng mga tao? Kung gusto nila ‘yun, hayaan mo sila. Pero, kapag ikaw naman ang pumorma, wala rin silang pakialam.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Maaalis lamang ang balakid sa iyong dinaraanan kung tatanggalin mo ang mga harang. Umalis ka sa mga taong lihim na ayaw ang pag-angat mo. Toxic ang mga gayun. Magtatagumpay ka kung magiging focus ka na sa iyong ginagawa.

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Makatatangap ka ng sorpresa sa mga susunod na araw. Ito ang bunga ng iyong pagsisikap at pagtitiyaga sa mga nakalipas na mga panahon. Hindi puro dusa at hirap na lang. Panahon na upang maging masaya ka.

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Hindi biro ang pinasok mong deal o transaksyon. Gayung hindi ka pa hinog sa karanasan para gawin o suungin ang isang maselang proyekto. Kailangan mo itong pag-aralang mabuti upang maging maayos ang kalalabasan. Sa gayun, mapatutunayan mong mayroon kang isang salita.

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) Balikan mo ang magagandang alaalang iniwan sa iyo ng iyong kaibigan. Ayaw ka niyang maging malungkot. Magkikita pa naman kayo balang araw. Kapag dumating ang panahong iyon, ‘di lang kayo basta bestfriends. Kundi, ka-forever na.

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Unti-unting maso-solusyunan ang iyong mga suliranin sa mga susunod na araw. Gayunman, ‘di pa ito sapat dahil may mga natitira pang problema. Sinanay at pinanday ka sa mga pagsubok. Kaya, ang kapalit ay ibayong tagumpay at pagpapalang pinansyal.

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Kapag maingay si love, wala kang dapat gawin kundi manahimik. Para walang gulo. Sa gayun ay wala rin siyang palag kapag niyakap mo na siya sa himlayan ng inyong pagmamahalan.