HOROSCOPE DECEMBER 10, 2021

HOROSCOPE DECEMBER 10, 2021

December 10, 2021 @ 7:00 AM 6 months ago


SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Isang kamag-anak ang hihingi sa’yo ng tulong tungkol sa proyektong nais niyang simulan. Ikaw ang alam niyang may higit na karanasan at kaalaman tungkol dito kaya ikaw ang kanyang lalapitan at aasa siyang hindi mo siya bibiguin.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Ang araw ay lilipas na parang walang nangyari kahit pa may inaasahang kang mangyari sa araw na ito. Huwag nang panghinayangan kung anoman iyon dahil kung para sa’yo ay para sa’yo at walang makahahadlang dito.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Malinaw ang nais iparating na mensahe ng isang tao pero hindi mo ito nakikita dahil sa kasalukuyan ay nabubulag ka sa damdamin mo para sa kanya. Huwag mo nang pahirapan pa ang sarili dahil wala kayong magiging koneksyon sa isa’t isa.

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ang suwerteng hinihintay ay sadyang mailap pa. Medyo malayo pa ang araw na mapapasakamay mo ang gustong-gusto mong gawin sa career o buhay. Kakailanganin mo pang habaan ang iyong tiyaga at pasensya.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Magiging lapitin ka ng mga oportunidad ngayon kaya naman dapat mo itong ikatuwa. Iwasan ang palaging pagpapatumpik-tumpik sa mga ganitong pagkakataon dahil lilipad ito kung hindi mo agad hahawakan.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Sikapin mo na mapasa’yo ngayon ang isang bagay na matagal mo nang pinakaaasam. Kung hindi mo ito pagpupursigehan na makuha sa araw na ito ay mapapasakamay ito ng iba dahil marami rin ang nag-iinteres.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Hindi mo gugustuhin na madamay sa gulo ng mga kaibigang sa ngayon ay naiipit sa hidwaan. Kaya kahit meron kang alam ay mas pipiliin mo na lang ang manahimik at hintayin na humupa ang tensyon sa magkabilang kampo.

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Magiging masaya ang araw mo dahil sa kabila ng mga problemang kinakaharap sa ngayon ay mapangingiti ka ng tao na lihim mong tinatangi. Kaya naman ang dati nang paghanga sa kanya ay madaragdagan pa.

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Huwag mo nang hintayin na mapagod pa siya. Gawin mo na kung ano ang mga dapat mong gawin. Ang panlalamig niya sa ngayon ay isang senyales na nag-iisip na rin siyang wakasan ang inyong relasyon kaya mag-isip ka na rin.

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)   Isang katrabaho ang mapagbubuntunan mo ng galit. Bago matapos ang araw ay kakailanganin mong humingi ng pasensya o paumanhin sa kanya kung ayaw mo na masira ang iyong pangalan.

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Iwasan ang mag-assume ng mga bagay-bagay lalo na ng isang relasyon na wala naman talaga. Kailangan mo munang tiyakin sa isang tao kung pareho kayo ng nararamdaman kung ayaw mong sa huli ay ikaw lang ang masaktan.

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Magiging masakit para sa’yo ang inyong paghihiwalay ng landas dahil buong buhay mo ay siya ang iyong nasa tabi. Pero sa ayaw at sa gusto mo ay kakailanganin mo na siyang pakawalan at ipaubaya sa Diyos ang iyong kapalaran.