HOROSCOPE DECEMBER 10, 2022

HOROSCOPE DECEMBER 10, 2022

December 10, 2022 @ 7:00 AM 2 months ago


 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Kung may katuwiran ay ipagpaliban ang paliwanag dahil hindi pakikinggan at mauuwi lamang sa paghihinanakit ng kalooban. Ipagpaliban ang gusto dahil hindi naman mapapaunlakan. Sa ibang araw ka bumawi dahil wala pang pera ang mga tao. Basta pasayahin mo lang sila at sagot na nila ang pagkain mo; kaya ‘di ka na gagastos ng malaki. Bibigyan ka nila ng kanilang mga kanya-kanyang handa.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Huwag idaan sa init ng ulo ang mga pangyayari lalo na kung kabi-kabilaan ang videoke ngayong okasyon. Pero, mga sintunado naman. Subukan mo ring minsang magtrip. Mag-videoke ka rin para pakitaan sila na nasa tono ka at ikaw lang ang may K na gawin iyon. Para mahimasmasan sila. Kailangan mo rin pansinin ang litanya ng mga kapitbahay mo at makisama sa kanila. Kasi, iyon ang talagang gusto nilang mangyari.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Iwasan ang masyadong pag-iisip sa mga suliranin. Ikaw kasi, ang dami mong inaanak. Kaya, maghanda ka na ng barya at etneb-etneb. Total, babalik din naman sa iyo ang grasya. Magrelax din para maaliw ang sarili at manumbalik ang sigla ng katawan. Mas magiging masaya ka kung ibabahagi mo ang iyong blessings sa mga kakilala na kapus-palad, sa mga bata at sa mga hayop. Lalo kang pagpapalain ng nasa itaas.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Huwag sayangin ang pagkakataon, sunggaban ang inaalok na mataas na posisyon sa trabaho. Iwasan ang pagiging pabaya at maging alerto sa bawat oras dahil may hasel na nakaabang lalo na sa mga dagsa-dagsa ring bisita at mga inaanak, na hindi mo alam kung saan nagsisulputan. May pera ka naman, mag-withdraw ng para rito at bigyan ang gustong mamasko. Bukod sa matutuwa ang mga tao, maaasahan mo rin ang kanilang pagmamalasakit para sa iyo sa ibang pagkakataon.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Kung may problema ka, magsuot ng maskara, ah este, humingi ka ng payo sa nakatatanda na may mabuting layunin upang itama at tutulong upang lutasin ang iyong problema. Hindi pera ang problema mo, may pera kang makukuha. Kung gusto mo nang mag-propose sa iyong kasintahan, samantalahin ang holiday season dahil masaya at good mood ang mga tao. Gawin mo ito sa isang reunion o handaang pangkaibigan o pampamilya. Tiyak na magtatagumpay ka.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Makipagkita sa mga kaibigan o malapit na kamag-anak. Gumawa ng bagay na magbibigay sigla sa mga minamahal. Hanapin ang kaligayahan para sa sarili at para sa mga mahal sa buhay. Mag-set-up din ng reunion para sa mga kaibigang matagal na hindi nagkita o ka-batch mate mo. Magandang pagkakataon din ito upang hingin mo ang tulong nila para sa iyong binabalak na proyekto.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Hinay-hinay lang sa pagkain at pag-inom ngayong holiday season. Baka kasi sumpungin ka na naman ng iyong sakit. Hindi naman masamang kumain basta huwag lang sobrang magpakabusog sa isang tsitsahan lang. Pwede kang kumain ng paunti-unti kada tatlo apat na oras. Sikapin ding maisingit ang ehersisyo. Simulan na ring gumawa ng iyong vlog upang agad na umangat at marami ka pang mapasaya at matulungang tao.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Kung sasakay sa pampasaherong sasakyan, tiyaking kumpleto ang mga dala-dalahan sa pagbaba, dahil baka may mawalao may maiwan. Buti sana kung bagoong lang ang mawawala. Tiyakin ding sapat o may pasobra ang budget kung balak mag-imbita ng mga kaanak at kaibigan sa salo-salo sa bahay ngayong holiday season. Para mas maraming handa, pagdalahin mo rin sila. Kako, mahirap magluto ng marami.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — May magandang balita at sorpresang tatanggapin mula sa pinapasukan. Pero, huwag kang masyadong magpapahalata. Pagsusumikap ang kailangan upang maging maginhawa ang pamumuhay ngayong masaya at mahalagang okasyon. Kung ‘di mo pa natatanggap ang bonus, ipaalala sa iyong boss at baka ngarag lang sa kasiyahan. Baka ‘di lang iyon ang ibigay sa iyo. Baka pati grocery at ham bigyan ka.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Kung ang mga kasamahan ay nagtsitsismisan habang nasa trabaho, huwag mo silang pagalitan. Basta, nag-uusap habang gumagawa ang kamay at nagtatrabaho ay ayos lang. Total, nag-e-enjoy ka naman sa pakikinig at nadadagdagan pa ang iyong kaalaman. Pero, huwag silang tularan kung nag-uusap ‘e nakahilatsa sa silya. Para ‘di ka mapasama sa problema. Sinupin ang pera at itabi para may magastos sa pagsalubong sa bagong taon.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  — Kung sa akala ay positibo ang kaunlaran na parating sa iyo ay hindi ka nagkakamali. Magiging maganda ang pamumuhay sa mga susunod na taon. Konting pagtitiis na lamang ang hihintayin upang makaraos sa buhay. Magsisimula ang buwenas sa susunod na linggo at magiging masaya ang Pasko. Makikipag-ayos din sa iyo ang kaanak na nakatampuhan ng mahabang panahon.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  — Magiging magaan ang buhay at magiging masuwerte kung walang hinanakit at kaaway. Mahirap kasi ang gayun. Iwasan ang malimit na pagdududa sa trabaho at gayun din sa iyong minamahal. Malaki-laki ang matatanggap na bonus. Ang kalahati rito ay itabi mo para sa gastusin sa susunod na taon at para sa biglaang pangangailangan. Ang kalahati ay pambili sa handa sa Pasko at Bagong Taon.