HOROSCOPE DECEMBER 13, 2021

HOROSCOPE DECEMBER 13, 2021

December 13, 2021 @ 7:00 AM 6 months ago


SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) β€” Magkakaroon ka ng pag-aalinlangan sa binabalak na pagre-resign sa trabaho dahil sa mga hindi inaasahang pagbabago ngayong araw. Kahit papaano ay mabubuhayan ka ng loob na ipagpatuloy ang nasimulan.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) β€” Huwag kang gagawa ng kahit na anong aksyon na pagsisisihan mo sa huli. Mas makabubuti kung ang bawat pagdedesisyon na gagawin mo na may kinalaman sa problemang kinakaharap ngayon ay ikokonsulta sa mga nakatatanda.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) β€” Maghinay-hinay sa pagbibitaw ng mga salita sa isang tao na hindi mo pa gaanong kilala. Malaki ang posibilidad na ikaw ay makapanakit ng damdamin at maging doble ang balik nito sa’yo sa susunod na araw.

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) β€” Isa sa iyong mga ex ang nakatakdang magbalik sa buhay mo. Ngayong araw ay magkukrus ang inyong landas at ito ay masusundan pa sa mga susunod na araw. Ihanda ang sarili sa isang komplikadong buhay.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) β€” Magiging masaya kasama ang mga kaibigan sa isang pamamasyal. Ang bawat oras ay mapupuno ng kuwentuhan at pag-alala sa inyong mga nakaraan. May saya at pait na mananariwa sa mga mapag-uusapan.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) β€” Makararamdam ng labis na pagkainip kaugnay sa hinihintay na malaking proyekto sa trabaho. Subalit wala kang magagawa kundi maghintay. Dagdagan mo pa ang effort at panalangin dahil ibibigay kung para sa’yo talaga.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) β€” Sa ayaw at sa gusto mo ay mahuhusgahan ka ngayong araw ng mga tao na hindi mo man gaanong kilala ay mga nagpapanggap namang malapit sa’yo. Mag-ingat sa mga ganitong klase ng tao na mas malapit sa iyong mga kamag-anak.

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)Β β€” Susubukin ngayon ng tadhana ang haba ng iyong pasensya sa paghihintay sa isang tao. Bagama’t meron siyang dahilan ay hindi pa rin maiiwasan na makadama ng labis na pagkainis dahil sa magiging sitwasyon.

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)Β β€” Isang kaibigan ang makakatampuhan. Ito ay magmumula lang sa maliit na bagay. Iwasan ang makinig sa mga sali-salita lang ng kung sino-sinong tao. Kung may nais sabihin ay idirekta na sa kaibigang nakatampuhan upang matapos ang hidwaan.

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)Β β€” Magiging maaliwalas ang araw mo simula pa lang sa umaga hanggang sa gabi. Ito ay dahil sa mga bisitang darating na may bitbit na magagandang balita para sa’yo at sa iyong pamilya. Huwag kalimutang magpasalamat.

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) β€” Magiging magaan ang araw mo sa negosyo dahil sa magandang daloy ng pera. Ang mga customer mo ay may taglay na suwerte sa kanilang pagkatao kaya labis mo itong ikatutuwa. Samantalahin ang araw na ito.

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) β€” Magiging mailap pa ang suwerte sa araw na ito. Walang paggalaw na magaganap sa iyong buhay. Subalit mas malaki ang posibilidad ng kamalasan kaysa swerte kaya mas makabubuti kung paiiralin ang pagiging positibo.