HOROSCOPE DECEMBER 14, 2021

HOROSCOPE DECEMBER 14, 2021

December 14, 2021 @ 7:00 AM 5 months ago


SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Hindi ka mapapahiya sa isang kamag-anak na iniisip mong lapitan. Nakaluluwag siya ngayon kaya mapagbibigyan niya ang iyong hiling. Iwasan lang na makinig sa sinasabi ng iba tungkol sa kanya kung ayaw mong madamay.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Pag-iisipan mo ang matagal ng alok sa’yo ng kaibigan. Hindi mo ito pinapansin dati dahil nakaluluwag ka pa sa pera, pero ngayong nasa gitna ka ng kagipitan ay mapag-iisipan mo na kung tatanggapin mo ba ito o hindi.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Magkakaroon ka ng pagkakataon na iwasan siya pero hindi mo gagawin. May strong feelings ka para sa kanya at hindi mo ito kayang pigilan sa ngayon kaya wala kang magagawa kundi magpatianod sa agos ng iyong kabaliwan sa kanya.

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Magiging mailap sa’yo ngayon ang suwerte. Sa kabila ng iyong pagiging positibo ay mananaig pa rin ang kamalasan. Masusubok ang iyong katatagan. Pero hindi ka mawawalan ng pag-asa at hindi ka magpapadaig sa problema.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Pupunan mo ang mga pagkukulang mo sa iyong anak. Ito ang magandang pagka-kataon para lumabas kayo at mag-bonding. Isasantabi mo muna ang mga kaibigang magyayaya sa’yo dahil pakiramdam mo ay lumalayo na ang loob ng iyong anak.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Hindi talaga dapat ina-under estimate ang isang tao na sa akala mo ay mas nakahihigit ka. Ito mismo ang mangyayari sa’yo. Isang tao ang magmamaliit sa’yo pero huwag kang mag-alala dahil ngayon din mismo ay mapapahiya siya.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Ang mga alalahanin nitong nagdaang araw ay magiging okay na ngayon. Maglalaho ito na parang bula dahil sa tulong ng ilang kamag-anak. Huwag mo silang kalilimutang pasalamatan dahil hihintayin nila ito mula sa’yo.

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Masyado kang magiging abala ngayong araw kaya may makaliligtaan ka na hindi mo dapat makaligtaan. Susubukan mong bumawi bago gumabi pero hindi ka papaboran ng tadhana kaya subukan mo na lang ulit sa ibang araw.

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Masakit ang maririnig mong salita mula sa minamahal. Bagama’t kilala mo na siya na mabilis magbitaw ng salitang hindi muna pinag-iisipan ay hindi mo pa rin maiiwasan ang magdamdam. Kaya ang buong maghapon mo ay mapupuno ng kalungkutan.

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Wala kang mapapala kung pakikinggan mo ang tsismisan sa kanto, iyan ang lagi mong sinasabi sa iba. Pero ngayon na ikaw mismo ang makaririnig ng hindi maganda mula sa kanila ay hindi mo maiiwasan ang hindi pumatol.

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Papabor sa’yo ngayon ang tadhana. Makukuha mo na rin sa wakas ang pinakahihintay mong suwerte. Huwag mo itong bibitawan at huwag kang malilingat dahil marami ang nag-aabang sa biyayang sa’yo ay nakalaan.

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Magiging magaan ang pasok ng pera ngayong araw dahil sa positibo mong pakikitungo sa iyong mga kliyente. Tama ang plano mong mag-iba ng style at diskarte. Kalimutan mo na lang muna ang negative thoughts mo nitong mga nagdaang araw.